MINGYU's POV
"Ang panget mo Nog. Huwag ka nga tumingin saakin." Sabi niya bigla habang nakatingin saakin. Kumunot bigla noo ko sa sinabi niya. Aba! Siya nga 'tong ginawang sandwich mukha ko kaya mukha na akong puffer fish kasi inipit niya ang mukha ko gamit ang dalawa niyang kamay. Malamang nakatingin siya saakin ng diretso ngayon.
Ugh, hindi niyo alam pero ganito niya ako kalakas asarin kapag nasa bahay niya ako. Alam niyo bang binabatukan niya ako? Dinadaganan sa kama, hinahampas ng unan o kaya pinipisil ang pisngi ko. Hindi ko alam kung nanggigigil ba siya saakin o ano. (TдT) Ano bang nagawa kong mali?
Pero okay lang talaga kahit ginaganito niya ako. Gustong-gusto ko naman nabu-bully niya, hehe. If this is his brutal way of flirting with me, why not? Alam ko nang kakaiba si Wonwoo, syempre kakaiba rin paglalandi niya saakin kaya alam na alam ko na.
Sumimangot ako, "Gwobe ka noman hyong! Gushto mo long mashilayon labi ko eh!" I joked. Tinignan ko pa siya ng masama pero nawala rin yun nung mas humigpit pa ang pag-iipit niya sa mukha ko.
“Oroy hyong! Moshakit, maawo ka!” Sabi ko nang nakapikit habang sinusubukang alisin ang kamay niya sa pisngi ko. Naluluha na nga ako eh.
Naramdaman kong inalis na niya ang pag-sandwich sa mukha ko. Nagulat naman ako noong maramdaman kong hinalikan niya ang dalawa kong pisngi at hinimas niya ang pisngi ko ng paulit-ulit. Ngumiti siya saakin, “Sorry. Nanggigigil ako eh.” Then he scrunched up his nose while carressing my cheeks. Halatang nanggigigil nga.
Pagkatapos niyang himasin ang pisngi ko, he ruffled my hair. Dahil sa ginawa niyang paggulo sa buhok ko, parang nawisikan kami ng tubig dahil basang-basa ang buhok ko, “Magpalit ka na, Gyu. Baka magkasakit ka.”
Dun ko lang naalala na kanina pa kami nakatayo rito sa tapat ng pinto nila. Hindi pa talaga kami nakakataas sa kwarto niya dahil kakatapos lang namin sumabak sa ulan. Ito talaga una niyang ginawa saakin pagkatapos naming makapasok ng bahay.
Nilapag ko ang basa kong payong sa umbrella stand na nasa tabi ng pinto. Tapos hinila na ako ulit ni Wonwoo papunta sa second floor at dumiretso sa kwarto niya.
Pagkapasok namin, bumungad kaagad saakin ang napakagulo niyang kwarto. May mga nakakalat na libro sa sahig, pati mga maduduming damit at mga papel. Sa kama naman niya, nakalapag doon ang laptop niya tapos may mga damit na nakalapag sa dulo ng kama niya. Ito nanaman po tayo, papalinis nanaman niya ang kwarto niya saakin. Napa-buntong hininga nalang ako sa naisip ko. Wala talaga akong lakas para maglinis dahil sabi ko nga kanina, dalawang oras lang ang tulog ko. Pero dahil hindi ako mapakali kapag maraming nakakalat sa kwarto niya, kailangan ko pa rin maglinis.
Ni-lock ko ang pinto dahil ako ang last na pumasok. "Pasensya ka na, hindi pa ako nakakalinis ng kwarto."
"Anong hindi ka pa nakalinis? Ako lang naman naglilinis ng kwar—oh sht!" Since si Wonwoo ang nasa harap ko, napahawak ako kaagad sa dulo ng shirt ni Wonwoo noong may natabig ang paa ko na libro sa sahig. Hindi ko kasi nakita.
Buti nalang nabalanse ko ang sarili ko at napahawak kaagad ako kay Wonwoo, kung hindi subsob ako sa sahig! "Hyung! Hala naman, sabi ko sayo maglinis ka ng kwarto! Paano kung ikaw nakatabig nito? Edi walang sasalo sayo kapag nasubsob ka." Sita ko sa kanya habang pinupulot ang libro. Napatigil lang ako at napatingala sa kanya noong bigla niya akong tinawanan.
Sumimangot ako habang nakatingala sa kanya, "Hyung naman eh, hindi nakakatawa.”
“Sorry. Naalala ko lang kasi nung nadapa ka noong papunta ka ng SC office saktong pagkabukas ko ng pinto. 'Di na talaga maiiwasan kalampaan mo.” Napasimangot ako sa sinabi niya. Oo na, ako na lampa.
BINABASA MO ANG
Vorfreude • meanie
Fanfiction| nostalgia duology #1 | high school series #1 | completed | vorfreude : the joyful, intense anticipation that comes from imagining future pleasure : in which mingyu is willing to wait for wonwoo even if it will take years for them to be together. b...