Ako si Eros. Kabilang ako sa mayamang pamilya ng mga Montesilva. Bata pa lamang ako ay nasanay na ako sa kaginhawaan ng buhay na ibinigay sakin ng aking mga magulang.
Naaalala ko noon, madalas akong nag-iisa. Wala akong mga kaibigan-- meron pala. Mayroon akong apat na mga lalaking kaibigan na hindi kabilang sa komunidad na tinitirahan ko.
Nanggaling sila sa kabilang villa, kung saan hindi ganoon kayaman ang mga tao na nakatira doon.
Madalas kaming lumabas ng mga kaibigan kong iyon.
Madalas kami pumunta sa DVD/CD Shops kung saan may mga iba't-ibang bala ng palabas ang nandoroon.
May mga bala ng mga pang-karaoke, mga nakakatakot na palabas, nakatatawang palabas, at higit sa lahat ang dahilan kung bakit kami pumupunta sa shop na ito ay dahil, may iba't-iba silang klase ng laro na ibinebenta.
Naaalala ko noong, nakipagpustahan ako sa mga kaibigan ko.
"O sige! Kung sinong matalo siya ang bibili ng DVD na iyon!" sabay turo sa nais na laro
"Oo ba! Deal ako dyan. 'Yan lang pala e, walang problema!" sagot ko sa kaibigan ko
"Sige! Tara mag bato bato pick na tayo!"
Hindi ako nagwagi sa pustahan na iyon. Ang yabang ko pa diba? Na akala mo ako talaga ang mananalo.
Pangit kasi ang ugali ko noon. Kaya walang may gusto sakin noon.
"O ano pang tini-tingin tingin mo diyan? Bilihin mo na 'yung larong gusto namin!"
"Oo nga! Kami din!" dagdag ng iba pa niyang kasama
"Oo sige! Teka lang, at babayaran ko na ang mga 'yan." sagot ko at dali daling nagpunta sa cashier upang magbayad
Inabot ko ang ATM card ko sa cashier, at laking gulat ng lalaking bantay na ang batang mataba na tulad ko ay ganito kayaman.
Oo. Mataba ako, dati.
'Yung mga kaibigan ko na ikini-kwento ko sainyo, kinaibigan nila ako dahil mayaman ako at kung anong gusto nila ay walang hirap na napapapayag nila ako na bilihin ko iyon.
Hindi sila mga tunay na kaibigan.
Noong nagdesisyon ako na layuan sila at lumaban sa mga nang aapi sakin, doon ko nalaman ang totoo nilang hangarin.
Lubos akong nalungkot,...
Kasalanan ko rin naman dahil, pangit ako at masama ang pag-uugali ko kung kaya't nilalayuan ako ng lahat.
Kasabay ng paglaban ko sa kanila ay umusbong din ang away sa dalawang panig. Pinagtulungan nila ako.
Kasabay ng aking pagkatakot sa kanilang apat ay, may isang babae ang ipinagtanggol at tinulungan ako.
"Ganyan ba kayo kahihina?! Pinagtutulungan ninyo ang kaawa awang batang yan?! Apat kayo, isa lang siya! Umalis kayo sa harapan ng mansyon namin!" bulyaw ng batang babae mula sa loob ng gate ng kanilang mansyon
"Bakit sino kaba?!" sabay sabay na tanong ng apat na batang lalaki
"Ako?! Ako si Eunice Mariano! Ang anak ng may ari ng buong villa na ito! Umalis kayo dito!" sigaw niya at bigla niyang binuksan ang gate nila at pinalabas niya ang dalawang alaga niyang aso
"Hala! Takbo! Ang lalaki ng mga aso!!!" sigaw nila at humaripas ng takbo palayo ang mga ito habang hinahabol sila ng aso
"Kaawa awang bata. Hoy ikaw! Sa susunod matuto kang lumaban!" sigaw niya sakin habang umiiyak ako
Hindi ako umimik.
Nagdaan ang ilang mga linggo, buwan, at taon. Nagkasundo kami ni Eunice. Pero bukod sa pag-uugali niyang mapagmataas, self righteous at judgemental, masasabi kong masaya siyang maging kaibigan.
Kahit lagi niya akong inaapi ng pabiro, at kahit matatalim ang kanyang salitang binibitawan, ay ayos lang.
Basta, masaya akong naging kaibigan ko siya.
Nagdaan ang ilan pang mga taon,...
May napagtanto ako sa aking sarili.
Sa tingin ko,
Mukhang may gusto ako kay Eunice...
"Kahit bata pa ako! Kahit 8 years old palang ako, alam kong nagmamahal ang puso ko!" pagsasalita ko habang nakaharap sa salamin
Kinagabihan, nagdesisyon akong aminin ang aking nararamdaman para kay Eunice.
Nagpabili ako sa yaya ko ng tatlong pulang rosas, tsokolate at isang teddy bear.
Masaya akong nagpunta sa mansyon nila Eunice.
Habang papasok na ako sa mansyon nila Eunice, nakita ko siya sa gawing kaliwang parte ng mansyon kung saan may bintana.
Nandoon siya.
"Pagkakataon ko na." sabi ko sa sarili ko habang kinakabahan
"Hoy! Taba! Nandito ka pala? Anong ginagawa mo dito?" tanong niya habang nagtataka sa mga hawak kong rosas, tsokolate at teddy bear
"Ha? Ah... Eu-eunice,... may gusto sana akong aminin sa'yo." nangangatog kong sabi
"Ano ba 'yon Eros!? Siguraduhin mo lang na may kwenta 'yang sasabihin mo ha!" sagot niya sabay pamewang
....
....
....
"Oh ano?! Bakit ang tagal?!!!!" bulyaw niya
....
"May gusto... ako... sa'yo, Eunice."
Sa wakas at naamin ko na. Ibinigay ko ang mga dala ko sa kanya.
Nagdaan ang ilang sandali, tinitigan niya ng masama ang mga dala ko at ibinaling niya sa akin ang kanyang matalas na tingin.
Tumawa siya.
Anong nakakatawa?
Laking gulat ko sa nakita ko...
Laking gulat ko sa ginawa niya...
....
Itinapon niya sa harapan ko ang mga dala dala ko para sa kanya.
Naiyak na lamang ako sa ipinakita niya.
"Ano?! Nagpapatawa kaba?!" natatawa niyang sabi sa akin
"Hindi Eunice! Totoo ang mga sin---"
"Hinding hindi kita magu-gustuhan kahit kailan! Ang mga katulad mo nara-rapat at naba-bagay lamang sa sa mga wala'ng kwenta'ng mga tao!"
"....."
Nabigla ako. Tumulo ng tuluyan ang mga luha ko pababa sa pisngi ko...
....
....
"You are nothing, but a fat little brat."

BINABASA MO ANG
Meeting Ms. Pietistic
RomancePaano kung,... 'yung kababata mong hinangaan mo noon, ay pagtatagpuin muli kayo ng tadhana sa kasalukuyan? Tadhana nga ba? O sinadya mong hanapin siya, nang sa ganon ay makaganti ka sa mga ginawa niya sayo noon. 'Yung mga panahong, wala ka pang muwa...