MMP: Chapter 2

3.3K 43 7
                                    

Oras na, para ipadama ang pananakit na ipinaramdan niya sakin!

Sa wakas, at nakita narin kita Eunice Mariano.

Nagtagpo na muli tayo!

Ang balak ko ay paasahin, at ibalik sa kanya ang ipinaramdam niya sakin noong mga bata pa lamang kami.

Bata palang ako, ipinaramdam niya na agad sakin kung paano masaktan ng dahil sa pag-ibig at pag amin ng totoong nararamdaman ng isang tao.

Nadala ako.

Inisip ko noon, kaya ba karamihan ng pagkakaibigan na mayroon ang dalawang tao ay nasisira dahil sa pag amin ng nararamdamang may halong pagmamahal ng higit pa sa kaibigan?

Bakit hindi natin magawang umiwas ng walang masasaktan? Imposible ang sinasabi ko.

Pero, may paraan naman ng pag-iwas na maiibsan ang sakit sa paraang pakikipag-usap ng mahinahon sa taong iyon, 'di ba?

Hindi ko na maibabalik ang dati.

Ang dati,...
dati, na inosente pa ang pag-iisip ko,
dati, na buo pa ang pagtitiwala saiyo...
dati, na walang makakapantay sa pagmamahal na sanang iaalay ko sa'yo.

Kung hindi kaya ako umamin sa nararamdaman ko para sa'yo noon, ano kaya tayo ngayon?

Magkaibigan parin kaya tayo hanggang ngayon?

May pag-asa kayang mahalin mo rin ako, kung hindi ako nag lakas loob na umamin sayo noon?

Maraming katanungan sa isipan ko, pero hindi ko na pag-aaksayahan ng panahon ang isang babaeng tulad mo.

Babaeng mababa.

Hindi ko na nga lubos maisip kung ano bang nagustuhan ko sayo noon...

Ano nga ba'ng nagustuhan ko sa'yo?

Hindi ko narin alam.....

Tuluyan na siguro akong nilamon ng galit at hinanakit dahil sa ginawa mo sa akin noon.

12:36 PM

Break time na pala namin ngayon. Mababait naman ang mga taong nakakasalamuha ko sa bago kong paaralan.

Kanina, noong pumasok ako sa room namin, halos lahat ng mata ng mga babaeng nasa silid nakatitig lahat sa akin.

Ano pa nga bang aasahan ko? Siguro dapat na akong masanay. Gwapo kasi talaga ako. At hindi lang iyon! Matipuno pa ang katawan ko, ano pa ang hahanapin mo? Full package na ako, ika nga nila, wala ka ng hahanapin pang iba.

Pumunta ako sa school cafe para bumili ng pagkain.

Maya maya ay may nakasalubong akong babae. Nabangga niya ako.

"Ano ba?! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" sigaw nito

Aba't... ikaw na nga ang nakabangga!

"Miss, ikaw na nga ang nakabangga sa akin, ikaw pa ang may ganang sumigaw." pagsasaad ko

"Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo!" galit niyang sinabi

Sino ba 'to? Ang ganda ng araw ko, sinisira ng babaeng 'to!

Tumingin ako sa mukha ng babaeng tinatalo ako. Laking gulat ko nang makita ko kung sino ito.

Si...

Si Eunice.

Napatingin ako bigla ng masama sa mga mata ni Eunice. Sa hindi malamang dahilan, biglang bumilis ang tibok ng puso ko na tila ba'ng, kinakabahan ng sobra.

Meeting Ms. PietisticTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon