"Pamilyar ang pangalan mo." pag sasaad niya
Posible kayang kilala pa niya ako? Yare ako nito oras na malaman niya na ako ang matabang kababata niya noon.
Masisira na ang mga plano ko!
Siguro nga'y kailangan ko na magmadali at umpisahan ang nais kong gawin.
Gusto ko sanang magpaisa-isa nalang muna sa pag gawa ng hakbang. Kaso, mukhang mauunahan na ako, e wala pa nga akong ginagawa!
....
Nakatingin parin siya sa mga mata ko.
"Parang kilala kita." sabi niya habang kita ang pagtataka sa kanyang mga mata
Ryu's P.O.V
Habang pababa ako mula sa silid namin papunta sa school cafe, nakita ko ang bagong estudyante na siya namang classmate ko ngayon.
Nakita ko si Eros Montesilva, nag-iisa at mukhang may hinahanap.
Nagtataka ba kayo kung bakit may P.O.V. ako at kung sino ba ako?
Ako si Ryu Constantino. Matagal na akong nag-aaral sa paaralang ito. Simula first year high school, dito na ako pumapasok. At balak pa yatang ituloy ng mga magulang kong pag-aralin ako dito hanggang kolehiyo.
Ayos lang naman sakin. Maganda ang eskwelahan na kumapara sa iba pang eskwelahan sa Osaka. Hindi lang maganda ang paaralang ito, mababait rin ang mga tao at facilitators dito!
World class din at tuturuan kang maging conpetitive ng school na ito. Sikat din ang paaralang ito, katunayan may mga idols nga ang nag-aaral rito.
Ang saya diba? Oo, maganda talaga dito.
Habang naglalakad ako patungo sa food station, may tumawag sa akin.
"Oy! Ryu!" sigaw ng isang lalaki
Sino kaya iyon?
Tinanaw ko ang boses na iyon na nang gagaling sa gawing kaliwa.
Ah, si Eros.
Agad ko naman siyang binati.
"Eros! Kamusta?" bati ko
"Kakain ka rin ba?" tanong niya
"Ah, oo e. Bibili palang sana ako ng makakain ko." sagot ko
"Ah sige, bumili kana ng makakain mo at maghahanap na ako ng mauupuan natin!" sabay paglalakad niya para maghanap ng upuan at lamesa
"Ah sige pare, salamat! Bili lang ako!"
Habang nakapila sa food station, napansin ko ang isang babae sa tabi ko. May bitbit siyang isang malaking plastic bag na naglalaman ng maraming ham sandwich, cheese burger, at egg pie.
Grabe naman ito. Parang siya lang ang uubos ng pagkain dito ah!
Para sa isang maliit na babaeng tulad niya, nakapagtataka talaga kung saan niya ilalagay iyan sa kanyang tiyan dahil sobrang dami ng pinamili niya.
Maya maya ay may iniabot pa ang tindera sa kanya. May iniabot pang dalawang plastic bag na naglalaman parin ng parehong mga pagkain.
Napatingin ako sa kanya ng puno ng pagtataka.
Napatingin rin siya sa akin ng masama, pero hindi nagtagal ay napanguso siya at tumakbo na paalis.
Bumili ako ng isang egg pie, isang tuna sandwich at isang inumin.
Naglakad na ako para hanapin si Eros.
Nasaan kaya ang lalaking 'yon?
"Ryu! Dito!" sigaw niya habang nakataas ang kanyang kaliwang kamay
BINABASA MO ANG
Meeting Ms. Pietistic
RomantikPaano kung,... 'yung kababata mong hinangaan mo noon, ay pagtatagpuin muli kayo ng tadhana sa kasalukuyan? Tadhana nga ba? O sinadya mong hanapin siya, nang sa ganon ay makaganti ka sa mga ginawa niya sayo noon. 'Yung mga panahong, wala ka pang muwa...
