Pagkatapos ng nangyari, bumalik na sa kanya kanyang mga gawain ang aking mga kaklase.
Grabe, kung makaasta ang babaeng 'yon akala mo pagmamay-ari at kontrolado niya ang buong eskwelahan.
Hindi ko gusto ang ginagawa niya.
Sa totoo lang, matapos ng inasal niya sa harapan ng mga kaklase ko, nagtaka talaga ako...
Ano ba talaga ang nagustuhan ko sa babaeng iyon?
Bakit ko siya minahal?
Minahal ko ba talaga siya o masyado lang talaga akong bata noon?
Unti unti ko nang napagtatanto na isa pala siyang halimaw na nabuhay sa ibabaw ng lupa!
Hindi bagay ang pangalang Eunice sa kanya. Masyadong maganda ang pangalan na iyon para sa halimaw na tulad niya.
Masisisi niyo ba ako?
Kung pwede nga lang ay pabalatan ko siya ng buhay sa mga lalaking nadurog ang puso dahil sa kanya, ginawa ko na!
Uumpisahan ko na talaga ang mga plano ko. Sisiguraduhin kong gagana lahat ng mga ito.
Natapos na ang klase ko. Hindi ko namalayan na oras na pala para umuwi. Napakabilis naman ng oras. Hindi kaya't nakatulog lang ako?
Lumabas na ako ng aming silid at dumiretso sa locker room para iwan ang ibang libro na dala ko.
Dumidilim na, kailangan ko ng bilisan para makauwi na ako agad.
...
Nang natapos ako sa locker room ay dali dali akong tumakbo palabas ng campus.
Ang sarap sa pakiramdam ng malamig na hangin... Presko sa pakiramdam.
Eunice's P.O.V
Pamilyar talaga ang lalaking iyon. Hmp. Bakit ko ba siya iniisip? Pinag-aaksayahan ko ng panahon ang tulad niya? Ni wala nga akong ideya kung sino ba siya.
Pero pamilyar ang mukha niya. Hindi ko lang talaga maalala kung kilala ko ba siya o hindi.
*Brrrrr*
A-aray.
Ang tyan ko! Kumukulo nanaman! A-ang... ang sakit!
Kailangan ko nang kumain, kung hindi... mabubutas ang bituka ng tiyan ko.
Teka nga. Nasaan ba si Ara!?
Tumingin ako sa paligid ko,... ngunit wala si Ara sa mga nakita ko. Tumalikod ako at nakita ko siyang halos papikit na sa sobrang antok siguro at pagod niya.
Hay nako. Gusto na kitang pagpahingahin Ara, pero... kailangan ko talagang pakainin ang nagwawalang buwaya sa tiyan ko!
"Ara! May malapit bang convinience store rito?" pagtatanong ko
"Ha... Uhh.... Haaamm... Hmmmm..."
"Gumising ka nga Marica!" sigaw ko at bahagyang inalog ang katawan niya
"Aahh. Ay! Pasensya na po. Ano po ulit ang katanungan ninyo?" pagkagulat nito
"Sabi ko kung may convinience store ba na malapit dito?!" sabay kunot ng aking noo
"Um, hindi ko po alam pero maghahanap po ako para sa inyo!" sabay ngiti nito at takbo upang maghanap ng convinience store
"Oy! Bilisan mo ha, dito lang ako maghihintay sa'yo!" sigaw ko
Habang hinihintay si Ara, pumunta ako sa may malapit na bench, at naupo ako dito.
Ssssssshhhh....
BINABASA MO ANG
Meeting Ms. Pietistic
RomancePaano kung,... 'yung kababata mong hinangaan mo noon, ay pagtatagpuin muli kayo ng tadhana sa kasalukuyan? Tadhana nga ba? O sinadya mong hanapin siya, nang sa ganon ay makaganti ka sa mga ginawa niya sayo noon. 'Yung mga panahong, wala ka pang muwa...
