Nagising ako sa malambot kong kama. Nag-inat ako ng katawan, at napatingin sa orasan sa gawing kaliwa ko.
7:32 AM
Aba, sakto lang pala ang gising ko para sa araw na ito. Unang araw kasi ng pasok ko ngayon sa bagong eskwelahan na nilipatan ko. Lumipat kasi kami ng lugar na tinitirahan namin, kung kaya't pati kami ng kapatid ko ay napalipat narin ng paaralang papasukan.
Bumangon na ako sa pagkakahiga at sinimulan ng mag ayos ng aking sarili ng sa ganon ay maaga akong makapasok. Malay mo, may early bird sa bagong eskwelahan ko, e 'di mas makikilala ang gwapo kong mukha at matipuno kong katawan ng mas madali at walang kahirap hirap!
Lumabas na ako ng banyo. Ang lamig ng tubig, ang sarap sa pakiramdam ng tubig. Pumunta ako sa cabinet ko para kunin ang uniform ko.
Nagtungo ako sa may salaminan, at nanalamin.
"Ang gwapo mo talaga Eros. Wala nang mas hihigit pa sa kagwapuhan na taglay mo. Tiyak na pag aagawan ka ng mga babae sa paaralan mo ngayon!" sabi ko sa aking sarili habang hinihimas ang aking buhok
May narinig akong nagbukas ng pinto.
Sino nanaman kaya 'yon?
Pumunta ako sa may pintuan para tingnan kung sino ang pumasok sa kwarto ko ng walang pahintulot.
Ah, si Mayumi lang pala.
Si Mayumi ay ang aking nakababatang kapatid. Mas bata siya sakin ng tatlong taon.
Nineteen na ako, bawasan niyo ng tatlo at 'yon ang edad niya.
"Kuya! Bumaba kana raw at mag-almusal sabi ni mama!" sigaw niya
"Bakit kailangan mong sumigaw, e ang aga aga pa!?" sagot ko ng may kasamang sama ng tingin
"Kanina kapa kasi nananalamin! Akala mo naman kagwapuhan ka at hindi ka mataba dati!" pang aasar niya
"Aba't! Anong sabi mo?!" napatayo ako sa kinauupuan ko
"Mataba ka dati! Baboy!"
"Mataba pala ha. Halika rito!" tumayo ako at hinabol siya pababa
Habang hinahabol ko ang pilya kong kapatid,... maikwento ko lang.
Oo, mataba ako dati. Sobrang taba ko dati noong bata pa ako. Sa sobrang katabaan ko, wala man lang ang may gustong makipagkaibigan sakin.
Mayroon akong nabibilang sa daliri na mga kaibigan, pero nakipagkaibigan sila saakin dahil sa yaman at pera ko.
Noong nalaman ko ang kanilang totoong layunin sa pakiki-pagkaibigan saakin, lumayo narin ako ng tuluyan.
Pero, bukod sa kanila... meron akong naging kaibigan na, naging masaya ako at sa tuwing kasama ko siya ay lagi akong umiiyak dahil sa pangungutya niya.
Pero kahit ganoon, ramdam ko na totoo ang pagkakaibigan na nagawa namin noon.
Pero,...
hindi rin pala.
Napahinto ako sa pagtakbo.
Naalala ko, nagkaroon ako ng kaibigang babae noong bata pa ako. Siya si Eunice.
Teka. Unang araw ng pasok ko ngayon sa bago kong paaralan, naalala ko lang...
Bakit ko napili ang paaralan na iyon?
Dahil doon nag-aaral si Eunice!
Tama! Ito ang unang araw na makikita ko siya ulit! Makakaganti na ako sa mga ginawa niya sakin!
BINABASA MO ANG
Meeting Ms. Pietistic
RomancePaano kung,... 'yung kababata mong hinangaan mo noon, ay pagtatagpuin muli kayo ng tadhana sa kasalukuyan? Tadhana nga ba? O sinadya mong hanapin siya, nang sa ganon ay makaganti ka sa mga ginawa niya sayo noon. 'Yung mga panahong, wala ka pang muwa...