Sinungaling
"Papatayin ko ang babaeng iyon!" matalim na sabi ni Brian. Nasa sasakyan niya kami pagkatapos niya akong iligtas kanina. Matapos kong ikwento ang nangyari ay tulala na ako habang siya ay kanina pa nagpapaulan ng death threats kay Vanessa. Hindi pa rin ako makapaniwala na kaya niya iyong gawin sa akin. Pero ano pa nga ba ang inaasahan ko sa kanya?
Mas hinigpitan ko ang kapit sa jacket na pinahiram sa akin ni Brian. Mukhang magkakasakit pa ata ako. Masyadong malamig ang tubig na binuhos nila sa akin, considering na may yelo ito.
Nasan si Hairo?
Nalungkot ako ng hindi siya ang taong nagligtas sa akin. Dapat nandito siya sa tabi ko. Dapat...
"Tara na, ihatid na kita sa kama mo."
Nandito na pala kami. Binuksan niya ang pintuan ko saka ako tinulungan sa pagtayo. Napamura siya ng maramdaman ang malamig kong kamay.
"Shit. Ang lamig mo." aniya.
Sinabi ko rin sa kanya na kila Hairo ako nakikitira dahil katulong nila ako doon. Hinatid niya ako sa aking kama kasama si ate Rosy na puno ng pag aalala ang nasa mata at sa taong kasama ko.
Nahiga agad ako sa kama at nag kumot. Hinarap ni Brian si ate Rosy.
"Pakihanda po siya ng mainit na sabaw. Nilalamig po kasi siya."
"Ano bang nangyari? Ayos lang ba siya?"
Tulala pa din ako.
"Mamaya niyo na lang po siya kausapin."
Kahit na kitang kita ko ang pagdadalawang isip ni ate Rosy ay dali dali siyang bumaba at ginawa ang utos ni Brian. May hinalungkat siya sa aking cabinet and then I noticed na kumukuha siya ng damit ko.
"Magbihis ka muna. Magkakasakit ka niyan e," inis niyang sabi.
Kahit na gusto ko siyang awayin ay napagtanto ko na malaki ang utang ko sa kanya. Tamad akong tumayo at inabot ang damit na nasa kamay niya. Nagpunta akong banyo saka doon nagbihis. Tinabi ko ang mga damit ko na nabasa pati ang jacket niya. Ibabalik ko na lang 'to kapag nalabhan ko na.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Ang mga labi ko ay putlang putla na talaga at halos mawalan na ito ng kulay. Sumasakit na din ang aking ulo sa malakas na impak ng yelo na bumagsak sa akin. May narinig akong nag uusap sa labas at siguro'y si Ate Rosy na iyon.
Nasa harapan ng bed tray si Brian at inaayos ang kubyertos. Wala na si ate Rosy. Naupo ako sa kama at binalot agad ang aking katawan ng kumot dahil sa lamig. Halos hindi ko maigalaw ang mga daliri ko sa lamig.
"Susubuan kita kaya huwag matigas ang ulo." aniya.
Namilog ang mata ko. "K-kaya ko naman-"
"Kakasabi ko lang na huwag matigas ang ulo e, kain na."
Kaya ayun at sinubuan niya ako. I feel like a kid. Nang matapos ay binigyan niya ako ng gamot at siya na rin ang nagpa inom sa akin ng tubig. Guminhawa ang pakiramdam ko sa init ng sabaw na dumaan sa sistema ko.
"Salamat."
He scoffed. "Resposibilidad ka namin dahil girlfriend ka ng tropa namin."
Tumango ako. "N-nasan si Hairo?"
"Hindi niya alam na inuwi kita. Pero tenext ko siya. On the way na siya."
Nag iwas ako ng tingin and in time may padabog na bumukas ng pintuan ko. Isang Hairo na puno ng pag aalala ang mata. Nilapitan agad niya ako saka niyakap.
"Oh God! Ayos ka lang ba? Anong nangyari?"
Umiling ako. Hindi niya dapat malaman kung anong mangyari. Knowing him may gagawin na naman siya at dahil isyu ko ito ay ako ang gagawa ng paraan para sa sarili ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/96307679-288-k795403.jpg)
BINABASA MO ANG
The Privileges of a Maid (Completed)✔
Romance"Let's break up." Masakit malaman na ang lalaking pinaka mamahal mo ay kaya kang saktan. Reñee, is just your typical girl. Having a caring and loving mother, little brothers also. But her father hurt her the most. Along the way, there's the cold ev...