Series✔29

4.3K 112 2
                                    

Stay

Anong ibig niyang sabihin? Anong just woke up? Naalala ko ang araw ng naaksidente ako, hindi ko tinanong kung sino ang nagdala sa akin sa ospital. Hindi ko tinanong kung bakit wala si Hairo nung nagpapagaling ako. Kung bakit wala siya nung pumunta ako sa mansion nila. Nanginginig ang mga daliri ko ng magtipa ako sa keyboard.

Ako: What do you mean?

Ilang saglit bago siya nagreply. At halos matulala ako sa aking natuklasan.

Klare: Sa araw na naaccident ka, Hairo covered up for you. Kaya dapat mababangga ka ulit ng pangalawang sasakyan pero he covered up for you. His in coma for about two years and four months. And now he just woke up. Danny said it to me yesterday. Alam kong may theraphy ka that time kaya baka di mo ako mareplyan. His looking for you Reñee.

May nagbabara sa aking lalamunan at hindi ako makahinga. Kusang tumulo ang luha ko matapos mabasa ang lahat. Na-coma siya and then ngayon lang nagising. Bakit ngayon ko lang nalaman to? Why did anyone of them told me?

Humagulhol ako sa sakit at paghihinayang. I should've been there. He covered for me that's why Im alive and one of my foot just injured. Isa lang ang naisip ko ngayon.

Uuwi ako.

Hinampas ko ang pintuan ng kwarto nina mama at papa. Quarter to ten na ng gabi kaya alam kong magugulat sila kung bakit ako nakatok. I don't care.

"A-anak? Bakit? May masakit ba sayo? Teka, umiiyak ka ba?" daming tanong ni papa.

"Pa, uuwi ako ng Pilipinas." I said.

Namilog ang mata niya.

"P-pero, bakit?"

"Alam niyo po ba na, Hairo saved my life and his in coma for two years?"

Namutla siya at nabigla sa sinabi ko.

"H-hindi. A-anong,"

"Pa, kailangan kong umuwi ngayon na."

Nagmamadali akong nag impake ng damit ko. Konti lang ang dadalhin ko. Agaran namang pumasok si mama sa aking kwarto at tinanong kung ano ba ang nangyayari. Habang nag aayos ako ng gamit ay sinabi ko sa kanya ang lahat.

"Ma, kaya kailangan kong makauwi."

" o sige, mauuna ka at susunod kami ng papa mo. Mag iingat ka huh? Alam mo naman na ilang araw ka lang umalis sa ospital."

"Opo ma."

Biglang bumukas ang pintuan.

"Nakakuha ako ng ticket. The plane will leave after thirty minutes. Come'n!"

Dinala niya ang aking maliit na bagahe bago kami pumasok ng kotse. Ang daming tanong sa aking isipan, kung bakit sa loob ng dalawang taon wala man lang naglakas ng loob na sabihin ito sa akin. Mahalaga si Hairo sa akin at napatawad ko na siya sa ginawa niya sa akin. Aaminin ko, nasaktan ako pero ngayong nasa panganib ang buhay niya at kapalit nito ang naging kaligtasan ko ay malaki itong utang na loob para sa akin.

He needs me now.

Nagpaalam na ako sa aking magulang at sila na din ang bahalang magsabi sa dalawa kong kapatid. Ang nasa isipan ko lang ngayon ay ang kalagayan ni Hairo. Please, I hope everything is just fine. I'd die if something happened to him again. Halos 'di ako makatulog ng nag take off na ang eroplano. Please, God, let him be safe.

Binalikan ko ang nangyari noong nasa loob ako ng operating room. Sa mga oras na iyon, pinangarap ko na dumating doon si Hairo at damayan ako. Ganoon din kaya ang naiisip niya? Bakit saka lamang siya nagising ng naging maayos na ako?

Makalipas ang napakahabang oras para sa akin ay nakarating kami. Tanghaling tapat ng makarating kami ng NAIA. Agad akong naghanap ng taxi at sinabi ang tungo ko. Pinagpawisan ako sa dami ng emosyon ang nadarama. Hinaplos ko ang bakal kong paa saka kinalma ang sarili. Mahirap daw maglakad ng malayo para sa akin at baka magkaroon ng problema ang ikinabit nila. Mas maganda daw na hindi muna ako maglakad masyado.

Pero ngayon, halos gusto kong tumakbo makaabot lang ng maaga sa kanilang mansion. Alam ba nila na babalik ako? Dalawang taon na din noong nakita ko ang pamilyang McGoner. Kamusta na kaya sila?

"Salamat po." sabi ko saka binigay ang pamasahe bago ako nagdoorbell.

Halos marinig ko ang maingay na tambol ng dibdib ko ng nasa harapan na talaga ako ng mansion nila na dati ay katulong pa lamang ako dito. Bitter sweet memories, I know. May nagbukas noong pintuan at doon sumilip si Ate Geng. Namilog ang mata niya.

"R-reñee?" she said almost not believing herself.

Agad na namuo ang luha sa gilid ng mata ko at sabik ko siyang niyakap.
"Hija!, jusko, miss na miss ka na namin dito. Saan ka ba galing at hindi ka na nagpakita?"

Naiiyak din niyang tugon. Humiwalay ako sa yakap saka niya ako tinulungang makapasok sa loob. Ang dami niyang tanong na hindi ko masagot dahil isa lang ang pakay ko. Ang makita siya. Masilayan at makausap.

"S-si Hairo po?"

Agad siyang nanahimik at malungkot akong tinitigan. Alam ko. Alam ko ate Geng. She sighed then,

"Nasa taas. Kagabi lang siya nagising at una niyang binanggit ay kung nasaan ka? Lahat kami namutla dahil pati kami ay hindi alam kung saan ka hahagilapin. Nang wala kaming maisagot ay nagwala siya kaya siya pinatulog muli. Baka mamaya pa siya magigising." aniya.

Tumango ako ng dahan dahan, absorbing what she just said. Bago pa ako makapagtanong ay may bumaba sa hagdanan nila ang I saw, madame and senyor looking at me in horror.

"T-tell me, I-Im not dreaming." utal na utas ni Madame.

"Madame, kanina lang po siya dumating." si ate Geng.

Agad lumapit sa akin si Madame at naiiyak na yumakap, ganoon din naman ako. Malungkot naman ang ngiting iginawad sa akin no senyor. Umupo kaming lahat sa sofa at hinawakan ako ni madame sa palad. Umalis na si Ate Geng, mamaya ko na ikukwento ang nangyari.

"Maraming salamat at bumalik ka hija! Hindi namin alam ang gagawin noong nagising si Hairo at hinahanap ka.-"

"Bakit hindi niyo po ito sinabi sa akin?" paos kong putol sa sinasabi niya.

Huminga siya ng malalim.

"Im sorry, but when I saw your condition, ayaw ko ng problemahin mo si Hairo lalo na at may ginawa siyang masama sa'yo. You caught him right? My son don't love that girl, that girl is just too obsessed with my son. Please, I hope your not getting in breaking up with my son." aniya sa malumanay na boses. "I know my son has trust issues but I know that he loves you dearly, I hope you know that." Sinabi naman ni Senyor.

Malungkot akong ngumiti. I love this two.

"My son... choose to save your life two years ago because he can't lose you because you fixed him, accept him and loved him. Im not asking you to stay in his life but please, I can't take to see my son's life before you came. Being a mother to him, it hurts here." namula ang mga mata niya at may nagbabadyang luha sa kanyang mga mata.

Niyakap siya ni senyor. Alam ko at handa ako ngayon. Dahil, siya rin ang bumuo sa buhay ko. Ngumiti ako sa kanilang pareho and said,

"I'll stay. Hindi niyo na po kailangang sabihin sa akin iyan. Dahil hanggang sa huli mananatili pa rin ako sa buhay niya."








Vote. Comment. 

The Privileges of a Maid (Completed)✔ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon