Die
Nang magising ako ay suot ko ang shirt ni Hairo. Nasaan siya? Bumangon na ako at nagpuntang banyo. Naghilamos at nagsipilyo. Bago pa ako makapasok ng banyo ulit para maligo ay umilaw ang phone ko, na nagsasabing may text na dumating. I opened it,
Unknown number:
Lahat ng bagay na hindi sayo magiging akin. Marunong kang lumugar kundi buhay mo ang kapalit.
Kinabahan ako pagkatapos ko itong basahin. Isang tao lang ang magsasabi nito sa akin at hindi ako pwedeng magkamali. Pero paano niya malalaman na nabuhay ako sa aksidente na iyon at narito ako? Paano niya nalaman ang phone number ko? Pero siguro, hindi siya to at baka na wrong send lang.
Habang naliligo ay naiisip ko iyong message. Yes, It sounds weird and scary but there's nothing I hope to worry about. Our life now is nearly perfect. I forgive my Dad and we accepted him in our life.
"Papa, nasaan po iyong mama ni Vanessa?" Tanong ko ng minsan ay kakatapos ko lang mag ensayo noon. He would smile at me then told me,
"Nasa mental siya noong huli kong balita pero ngayon hindi ko na alam." aniya.
Sobra akong nagulat doon dahil ang alam ko lang ay obsessed iyong babaeng iyon sa papa ko. Pero hindi sa ganitong sitwasyon.
"May kapatid po ba si Vanessa?"
"Meron. Pero hindi ako iyong ama. Inabanduna ni Josefa ang anak niya dahil sa akin. Huli ko ng malaman na binibilog ako ng babaeng iyon."
Napasinghap ako at naalala ang kwento ni Hairo sa akin noon. Unti unti ko itong nabuo, ang anak ni Josefa ang siyang nanakit sa kanya noon. Na ngayon ang dahilan ng pagkasira ng pamilya ko. Na siyang kapatid ni Vanessa at si Vanessa ay kapatid ko sa Ama. It's just a chain full of dirty secrets.
"Are you okay?"
Napapikit pikit ako ng nakita kong nasa harapan ko na si Hairo. Pagkatapos kong maligo ay nadatnan ko na siyang nasa center table. Buti na lang at nakadamit ako ng lumabas at baka ako iyong kainin niya.
Napailing ako sa naisip. Nginitian ko siya saka huminga ng malalim para sa kwentong ibabahagi.
"Ang katulong na nanakit sa iyo ay kapatid ni Vanessa, habang si Vanessa ay kapatid ko sa Ama. Ang kanilang mama ay inabanduna ang katulong niyo noon at ang rason kung bakit nawasak ang pamilya namin."
Natahimik siya at kita ko ang sakit sa kanyang mga mata. Nagkakilala kaming dalawa sa maling pagkakataon pero heto kami ngayon. Magkasama. Hinawakan niya ang palad ko saka hinalikan sa noo. Napapikit ako at dinama ang mabilis na pagtibok ng puso.
Only him can do this to me.
"Soon pumpkin, everything will be just fine before we get married. I want you safe, okay?" aniya.
Napatango ako.
"Where's your father anyway? I can't seem to contact him."
Tumitig ako sa kanya. "May inasikaso siya e, bakit?"
He shrugged but I know what he meant. Lumambot ang ekspresyon ko at hinawakan ang palad niya.
"Hairo," simula ko. "We don't need to rush everything. Matagal tayong nawalay sa isa't isa. Kahit na gusto kong magpakasal tayo ay nanaisin kong malinis na ang lahat. Okay?"
He sighed and pursed his lips. "Fine. Kahit na gustong gusto na kitang itali sa pangalan ko but... your wish is my command mi amore."
The rest of the days seems so happy to us but the text never died and missed a day sending it to me. I guess it wasn't wrong send then.
Unknown number:
You happy now bitch? Well, enjoy it while it last.
I never told anyone about this because maybe it's just a prank. Ayoko namang mag alala sila sa akin dahil sa ganitong bagay. Maayos na ang pakiramdam ni Hairo at siya na ang nagmamanage ng isang companya nila rito. Gabi ko na nga lang siya nakakasama e, sa umaga ay madadatnan ko na lamang siyang paalis at iniiwan na lamang ang breafast sa kwarto. Hahalikan ako saka aalis. Hindi naman ako nagrereklamo since it's his job anyways.
Unknown number:
Ang ganda ng mama mo no? Pero mas bagay siya sa kabaong.
Fuck!
Malapit ko na talagang replayan ito. Saktan na niya ang lahat huwag ang mahal ko sa buhay. Magkapatayan man, wala siyang karapatan.
Unknown number:
Naka ilan na ba kayo ng boyfriend ko? I bet, sawa na siya at babalik din iyan sa akin.
Napakuyom ang palad ko ng marecieve ko ito habang nagtutupi ako ng damit. Hingang malalim Reñee, huwag mong patulan. Nag ti-trip lang yan. Huwag paapekto.
Unknown number:
Happy birthday! Anong gusto mong regalo? Ang ulo ng mga kapatid mo o iyong ulo ng mama mo?
Hindi ko na kaya.
Ako:
Tigilan mo nga ako. Kundi sasabihin ko sa pulis ito at sila na mismo ang huhuli sa'yo.
Wala pang isang segundo ay may reply na, na para bang inaabangan ang reply ko. For those days, hindi ko talaga ito pinapakialaman. Pero sobra na iyong mga sinasabi niya. Kaarawan ko pa naman ngayon at ayokong masira ito dahil lang sa nagpadala ako sa mga pinagsasabi nito.
Unknown number:
Go ahead. I'd love to see you try. By the way? Look behind you, because there's your end. Have a blast. See you later.
Nanginig ako sa galit. Reñee, that's not your buiness anymore. Mas lalo lang siyang magtetext kapag pinapansin mo siya. Hingang malalim, kaya mo yan. Today is your damn birthday!
Anong ibig niyang sabihin sa text niya?
Hinaplos ko ang saya ng dress ko saka huminga ng malalim. Halos mapatalon ako ng bumukas ang pintuan at doon ay niluwa si Hairo with his dashing smile and... HE CUT HIS HAIR?
Nanlaki ang mata ko sa bago niyang hitsura. Noon, gwapo na siya pero ngayon? Mas lalong nadepina ang kanyang nga kilay at kanyang kulay bughaw na mata. His damn perfect! He smirked when he noticed my surprise face. Of course! Sinong hindi magugulat?
"Y-you cut your-"
"Hair. Yes and are you done checking me out? I believe it's time for me to undress you with my eyes!" he said huskily near my ear.
Napailing ako at humagikhik. Napaka manyak talaga niya. He held my hands and kissed it.
"Happy birthday pumpkin my wife."
I blushed. Nginitian ko siya at niyakap.
"Thank you my husband." I said sweetly.
Puno ang ball room ng mga tao. Naalala ko noon ng una akong nagka encounter ng ganito. It was just like this and I hope nothing will ruin it, like the last time. Nakangiti ang pamilya ko at masayang nasa ibaba ng hagdanan.
I never thought that this day would come. Hindi ko ito naranasan ng nag 18 ako gaya ng iba. I was never escorted by a man when I walk down, even in my high school days. I am truly blessed to have this man beside me.
Sabay kaming bumaba at nakangiti. Ang kulay na crimson na gown ko ay nakakagaw ng pansin sa puno ng guest na kulay pula ang damit sa mga babae at itim sa lalaki. Nakasuot naman ng kulay brown na light na tuxedo si Hairo with his crimson tie, matches my dress.
Marami ang bumati at halos mahilo ako sa kakangiti sa kanila at nagpapasalamat. Nang humupa ang tao ay nagpunta ako sa harapan para magbigay ng speech. Nasa aking tabi si Hairo at inalalayan ako. Bumama din siya pagkatapos. Ngumiti ako at bumati.
"Good evening, nagpapasalamat po ako sa inyong lahat sa pagpunta at pagbati. Kina madame at senyor, maraming salamat po sa dami na po ninyong tinulong sa amin and now you even help with my birthday surprise, I am very grateful I could almost die in-"
"Then die." isang malamig na boses ang narinig.
Vote. Comment.
BINABASA MO ANG
The Privileges of a Maid (Completed)✔
Romance"Let's break up." Masakit malaman na ang lalaking pinaka mamahal mo ay kaya kang saktan. Reñee, is just your typical girl. Having a caring and loving mother, little brothers also. But her father hurt her the most. Along the way, there's the cold ev...