Ajay
"Nakakahiya, ano ba, bitawan mo nga ako!" Inalis niya yung pagkakahawak ng kamay ko sa kamay niya.
"Please, kahit bigyan mo lang ako ng rason kung bakit bigla ka nalang nagkaganyan. Wala akong maintindihan. I thought we're good, then the next thing I know di mo na 'ko pinapansin."
"Rason? Gusto mo ng rason? Lalaki ka, lalaki ako. Nakakadiri. Di mo ba makuha yung point? Argh. It was just a mere lust, Ajay."
______________________________________
"It was just a mere lust, Ajay." Ito ang linyang paulit-ulit sa utak ko. Ginamit lang pala niya ako.
"Hoy! Tulala ka na naman diyan!" Bulalas ni Arthur, best friend at blockmate ko.
"Nyeta pre, nag-iisip yung tao eh!"
"Eh para kang tanga eh, tara na nga punta tayo ng cafeteria, gutom lang yan. My treat." sabi niya habang nakangiti tsaka ako inakbayan. Gwapo rin 'tong isang ito eh, ewan ko bakit hindi pa nagkaka-gf.
"Lul mu. Sinabi mo yan, wala ng bawian hahaha."
______________________________________
Tanda ko pa nung high school palang ako, ang sarap maging estudyante. Yung tipong chill ka lang sa lahat ng bagay, walang iniintinding mga major projects at puro biruan at tawanan lang kasama ng tropa at mga barkada. Siyempre di mawawala yung love life. Pero wala ako nun. Teka, wala nga ba?
Fourth year hs ako nun. Wala akong gaanong mga kaibigan dahil mas nakakaenganyong kaibiganin ang mga taong 'popular' sa campus. Siyempre, sino nga ba naman ako diba? Isang ordinaryo, may kaitiman, medyo pandak, at nakasuot pa ng eyeglasses. 'Di rin katangusan ang ilong at 'di rin nabiyayaan ng magandang balat. Kumbaga hindi ako yung tipo ng taong pagkakainteresan. Kapag humalo ako sa crowd, di mo na ako mapapansin. Naglalakad ako patungo sa classroom ko nang may nakita akong isang lalaki. Mukhang transferee 'to ah. Kahit kasi malaki ang population ng school namin eh magkakakilala o pamilyar kami sa mga hitsura ng nag-aaral dito. At bago sa aking paningin ang hitsura ng lalaking iyon. Maputi, nakabusangot, pero gwapo, may maaamong mga mata at maninipis na mga labi, mukhang anghel talaga pero nakasimangot nga. Papunta siya sa direksiyon ko at nang akmang magkakasalisi na kami, bigla naman akong natakid. Napatingin ako sa kanya at tinignan lang ako nito ng walang anumang reaksiyon at tumuloy na sa kanyang paglalakad. Ang sungit naman. Binalewala ko nalang at pumunta na ng classroom.
Lumipas ang mga araw, palaging nagtatagpo ang landas namin ng lalaking yun. Oo, alam ko sa sarili ko na di ako straight. Pero di ako yung klase ng bakla na nagkakandarapa, o OA pag nakakakita ng mga gwapo. Kumbaga chill at pabebe lang ako. Hahaha. Isang araw, nabigla nalang ako, nakaupo ako sa bench nun malapit sa basketball court nagbabasa ng libro, nang may biglang lumapit.
"Pwedeng makiupo?"
______________________________________
A/n: Ang lame kong gumawa ng story at magnarrate ng events guys huhu. In fact, this part alone took me almost two days to complete. Hirap palang magsulat pero kakayanin ko. Hope this was a good start. :D
BINABASA MO ANG
PA(G)ASA (Boyxboy)
RomanceOrdinaryo. Simple. Ito marahil ang masasabi ng karamihan kay Ajay. Hindi katangkaran, hindi rin gaanong pansinin ang hitsura at hindi marahil pag-aaksayahan ng panahong titigan. Ngunit siya'y nakatagpo ng isang taong nagparamdam sa kanya na siya ay...