2

9.7K 75 9
                                    

Ajay

Ah, siya pala yun. Himala kinausap ako nito. Maingat akong tumango at binigyan siya ng space sa bench na kinauupuan ko. Tumingin ako sa paligid. Ang dami pa namang bakanteng bench, bakit ba dito pa 'to nakiupo?

"Ahm, nagbabasa ka rin pala ng Harry Potter." Sabi nito na halatang wala lang masabi.

Tumingin ako sa kanya, matipid na tumango, tsaka bumalik na uli sa pagbabasa. Ano bang trip nito? Nitong mga nakaraang araw eh sobrang sungit ng attitude nito tapos ngayon parang ang friendly. Ang weird ah.

"Ahm, a-anong book ka na? I mean anong book binabasa mo ngayon?" Sabi niya na nagkandautal pa.

Hindi ko siya sinagot. Di 'ko naman kasi ugaling makipag-usap sa di ko kakilala. Isa pa, malay ko bang nangttrip lang ito at ako ang pinagdiskitahan. Akma na akong tatayo at iiwanan na siya nang siya'y magsalita ulit.

"S-sandali lang. Ahm..."

Iniwan ko na siya.

______________________________________

Tapos na ang klase namin sa araw na iyon nang dumating bigla ang teacher namin sa English at binigyan kami ng project, theatre play, na gaganapin sa Intramurals week. Hindi na sana namin 'to bibigyang pansin hanggang sa sinabi ng aming teacher na magcocollaborate sila ng dalawa pang teachers upang maging performance task ng bawat subject ang theatre play na ito.

"Nagkakaintindihan ba tayo class? Si Ma'am Jessy ng TLE subject niyo ay nakipagcollab sakin. Gagawa kayo ng Feasibility study and by that, yes, nahulaan niyo. Magaadvertise at magbebenta kayo ng ticket. Si Sir Jonah naman ng MAPEH subject niyo ang titingin sa creativity ng inyong props at costumes. Remind ko lang kayo class, three subjects are involved in this activity kaya naman I expect you to exert a lot of effort on this." Saka siya biglang umalis.

Hayy. Nakakastress naman. Three subjects in one performance task. Pero dahil masikap ako nung hs pa ako, napilitan akong makijoin sa mga kaklase ko kahit na aloof ako sa kanila dahil nga di ko sila halos kaibigan.

"So ang kailangan nalang natin ngayon eh tagapromote ng play natin sa lahat ng students. At the same time, tagabenta na rin ng tickets." Sabi ng aming class president na si Ella.

"Hmm.. sino kayang pwedeng gumawa niyan, eh tayong lahat may mga tasks ng gagawin?" Sabi ni Jomar.

"Ahm, ako di niyo pa nabibigyan ng gagawin. Ako nalang magbebenta ng ticket." Pagboluntaryo ko dahil di nila napansing wala pa 'kong assigned task.

"Yun oh! That's great! So we're all settled then. Sisimulan na natin next week. Tutal one month pa bago ang Intrams kaya imaximize na natin ang time para mag advertise. So sa ngayon, advertising at promotion na muna atupagin natin. Tulungan muna natin si Ajay." Mahabang litanya ni Ella.

So yun nga. Sabi ko diba chill lang nung hs? Well after nitong madugong play na to dun ko palang mararanasang magchill. Sana mapagtagumpayan namin.

____________
A/n: I intentionally cut it on that part kase wala nakong maisip huhu. Sorry.

______________________________________

PA(G)ASA (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon