Ajay
Wala akong pinagsisisihan sa mga pinagsasabi ko sa Sulpot na yun. It has to stop. HE has to stop. I don't know what has gotten into my mind pero I went home after that, kahit na may 20 minutes pa na 'Homeroom' meeting with our adviser. All those encounters and roller coaster of emotions had me feeling groggy.
"Hi ma, mano po."
"Oh napaaga ka ata ngayon Jay? Diba 5:00 ka usually nakakauwi?"
"Wala naman po ma, meron lang ginawang activity sa school na pwede namang di umattend kaya umuwi na ako." Palusot ko.
"Nakabusangot ka ng sobra ngayon. May problema ka ba?"
Si mama talaga oh. Kilalang-kilala ako. Well, masasabi ko na I've been blessed with an ever loving mother. Kahit na dalawa lang kami sa bahay, I didn't feel any sort of emptiness. Napunan ni mama ang lahat ng kailangang punan. I will never ask for more. (Char! Lovelife please joke hahaha.)
"Super duper pagod lang po ma. Wala lang po ito."
"Oh siya sige, pumanhik ka na tsaka magbihis. Matatapos na yung niluluto kong turon."
"Yes mama. Thank you!"
Pumanhik na ako sa kwarto. Mama knows that I need privacy na at this age. Dati kasi talagang di mo kami mapaghihiwalay niyan, kahit matulog pa sa gabi katabi ko siya. It was when I officially turned 16 na nagdecide siyang kailangan ko ng bumukod. Ng kwarto. (duh NBSB nga eh. Hahaha) Naalala ko bigla si Sulpot guy. Hanggang ngayon 'di ko maintindihan kung bakit lagi niya akong sinusundan. (Assuming) Pero just thinking about it makes my heart beat faster. If this is kilig, I will label it as a normal thing. Ang gwapo kaya no, tas siyempre as a sireyna, you'll feel proud na may ganoong klaseng lalake na lalapit-lapit sa iyo. Nasa gitna ako ng pagtingin-tingin sa salamin, at pag-iilusyon nang biglang....
"WHAT THE FFFUUUUUUUUUUUUUU#*!!!! YUNG MGA TICKET TSAKA YUNG BEAST COSTUME!!!! AAAAAAAARRRRRRRRRRRRGGGGGGGGGGGHHHHHHHHH!!!!" Sinong 'di mapapasigaw?? I have forgotten all about my task today! 😥
"Anak, buksan mo nga 'tong pinto. Okay ka lang ba?"
"Di po ako okay ma. Hinding-hindi po. Huhuhu."
____________________________________________Lumalalim na ang gabi pero di pa rin ako makatulog. Anong mukha kaya yung ihaharap ko kina Ella? Nageffort silang gawin yung costume at magprint ng mga tickets. Naiimagine ko palang kung paano niya ko papagalitan bukas, naiihi na ako sa takot. Ibang klase kayang magalit yun, talagang ipapahiya ka, hindi lang sa klase kundi sa buong campus. (Huwag niyo nang itanong kung paano, basta gagawan niya yun ng paraan) Yun lang yung inassign sa aking task tapos di ko pa nagawa ng maayos.
Nakatulog ako ng mga 4 hours lang tsaka matamlay na nagprepare para sa school. God knows what I will witness later; the wrath of Ella, the disappointed and disgusted looks of my classmates and etc. Medyo nagpa-late ako ng konti sa usual kong pagpaasok sa school kaya marami-rami na ring tao pagdating ko. Pumunta na ako ng classroom namin with matching panginginig ng tuhod. Heto na. Sisikat na ako sa buong campus at.......
"AJAY!!!!"
Napapikit ako. Shet si Ella. Sinasabi ko na nga ba aabangan ako nito eh. Hinanda ko na ang sarili sa paghingi ng sorry.
"Ella, sorry nga pala kase...."
"Ajay! I'm so proud of you! Ngayon, sure na tayong makakapasa sa performance task natin!" Sambit ni Ella with matching yakap pa sa akin at talun-talon na parang bata.
"Wait, anong sabi mo?" Siyempre sinong 'di mabibigla. Sinalubong ka ng taong napaginipan mong papatayin ka, ng super saya. I was left dumb founded.
"Ay tanga lang te? Ang laking achievement kaya yung mabenta yung 600+ ticket in just one day. Tsaka iba ka rin no, bakit pinaabot mo pa kay Paul yung mga pinagbentahan tsaka costume? In fairness, check na check siya ah. Uy.... I smell something fishy..."
Dun na ako naguluhan ng sobra. Sinong Paul? Nabenta lahat ng ticket? Nasoli yung Beast costume? Hindi kaya.....
OMG.
____________________________________________
A/N:
Super sabaw. Hahaha. I'm maximizing my time here on Watty. Sorry po sa update na 'to. I'll make it up sa next chap. Hehe labyu all. 😙
P.S.
All creative criticisms are welcome. Kahit masakit na words, basta sa ikakaimprove ko, I'll accept it. Please feel free to correct any part or suggest for improvements. 😍😘
![](https://img.wattpad.com/cover/103115762-288-k863377.jpg)
BINABASA MO ANG
PA(G)ASA (Boyxboy)
RomansaOrdinaryo. Simple. Ito marahil ang masasabi ng karamihan kay Ajay. Hindi katangkaran, hindi rin gaanong pansinin ang hitsura at hindi marahil pag-aaksayahan ng panahong titigan. Ngunit siya'y nakatagpo ng isang taong nagparamdam sa kanya na siya ay...