6

3K 31 13
                                    

Ajay

Hindi. Hindi maaari.. imposibleng si Sulpot guy yon. Tsaka Paul? Masiyadong maganda yung name para sa katulad niyang weirdo.

"Oy sis-- este, Ajay, what happened? Tulala ka diyan?"

"Ah, eh.. wala, wala lang 'to. Hehe. Oo ako nga nagbenta ng mga ticket na 'yan kahapon. Whoo! Kapagod nga eh. Kabadong-kabado ako, akala ko 'di ko mabebenta mga 'yan." Pagsisinungaling ko.

"I'll treat you after this damn play, help me to remember what I said to you ah?" Sabi ni Erica sa akin.

Matatanggap ko kaya yun? Inuusig ako ng konsensiya ko. Malinaw pa sa sinag ng ulo ng kalbong guard namin na 'di ko naman nagawa yung task ko. Isa pang kailangan kong alamin ay kung sino ang talagang nakapagbenta ng mga ticket. Malakas yung hinala kong si Sulpot guy nga yung 'Paul' na yun, but I will never jump into conclusion without knowing the truth. Sa huli, napagdesisyunan ko nalang ipagsawalang-bahala, tutal naman sold out na, edi waley na aketch iisipin. Lol.

Papunta ako sa faculty para ipasa yung project na tatlong gabi ko ring tinapos. Hindi ko forte yung pagddrawing kaya talaga namang it took me a lot of effort para matapos ito. Nagspace out ako that time nang may mabangga ako. Nalaglag yung mga dala kong libro, nagkalat din yung project na nakaipit sa folder ko.

"Are you blind? You just literally bumped me like you're some kind of uneducated animal!" Sigaw ng babaeng nabangga ko. Hmm, a new face. Nakakapagtaka kase patapos na yung first grading, may transferee pang tinanggap yung school namin. Maganda siya in fairness. Maputi, matangkad, mahaba yung straight niyang hair, may shape yung body- in short, lamang ang beauty niya sa akin ng 100x. Hala anong laban ko rito.

"I'm so sorry, 'di ko talaga sinasadya..." Sabi ko sabay pagpag sa palda niyang narumihan gawa ng napaupo siya nung nagbanggaan kami.

"Don't you dare touch me or my clothes, you filthy freak. Palibhasa kasi, you're a smelly nerd, you stink like a rotten rat corpse!" Aba ganiyan manalita 'tong babae na to. Keganda pa man din. Sayang lang.

"Look, I am sorry. I really do. Di natin kagustuhan yung nangyare and you don't have to insult me like that."

"What is done, is done. Well, I can forgive you, but first..." At binuhos niya yung dala niyang frappe sa project ko.

"No one messes up with Isabel. You better be careful next time, nerd." She walked away as if nothing happened.

Pero yung... Yung project ko... Ilang araw akong di nakatulog ng maayos para lang matapos yun. Humahapdi na yung mata ko dahil sa mga luhang gusto nang pumatak. Di ko na rin napigilan, tuluy-tuloy na yung bagsak ng mga luha ko habang pinupulot yung mga nagkalat kong gamit. Huli kong pinulot yung project kong basang-basa ng frappe na binuhos ng Isabel na iyon. Maingat kong inangat yon, nagbabakasakaling pwede ko pang patuyuin, ngunit napunit ito. Doon na ako napahagulgol.

"Hey..."

PA(G)ASA (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon