3

7.4K 104 19
                                    

Ajay

It never occured to me na ako pa mismo yung magppromote ng play namin at magbebenta pa ng ticket. Beauty and the Beast ang napili nilang i-play at to gather a lot of viewers, pinagsuot nila ako ng costume, which is, well, you guessed that right: the Beast. Parang ewan akong naglalakad-lakad sa loob ng campus habang nilalako ang mga ticket na magdadala sa amin sa tagumpay. Hayy. Okay lang naman ako sa ganito, tutal wala namang nakakakilala sa akin dahil nga I'm an introvert. Pero don't get me wrong, majoke ako sa katawan pero introvert talaga ako. Promise.

"Beauty and the Beast ticket, P30.00 lang at meron pang free drink, naka-aircon ka na, may juice ka pa. Bili na po kayo." Ang walang gana kong sigaw habang suut-suot ang beast costume na magbibigay sa akin ng kahihiyan. Ni hindi man ako pinapansin ng mga kapwa ko students kahit na suot ko yung super OA costume ni Beast. Alam niyo yung mga mascot na may malalaking ulo tapos sa may leeg nila dun nakalitaw yung mukha nung nagsusuot? Ganun lang naman ang binabalandra ko ngayon.

"Uy, nagbebenta ka pala ng ticket? HAHAHAHA." Hayy.. wala bang magawa sa buhay ito, at palagi nalang sumusulpot?

"Oo. Bibili ka?" Sinusungitan  ko talaga. Ganyan talaga ako sa mga strangers, well actually he's not a total stranger, nagkita na kami once, while I was reading, but you get my point.

"Hindi."

Aba, anong gusto nitong iparating? Okay, tutal wala naman siyang balak bumili, layasan ko na lang tsaka pumunta sa---

"Aray ko! Bitawan mo nga ako!" Binuhat lang naman ako ng weirdo.

"Tara kain tayo sa cafeteria."

"So kailangan pang mangbuhat? Bitawan mo nga ako pinagtitinginan na tayo oh."

"Yoko nga, di ka sasama eh. Tara na."

Nagsimula na siyang maglakad papunta sa Cafeteria. Ang awkward lang kasi bridal style ang way ng pagbuhat niya sakin habang nakasuot ako ng Beast costume. Nagkandauntog-untog nga yung kawawang ulo ni Beast sa mga nakakasalubong namin. Naku lagot ako kay Ella neto pag nasira ko tong costume. Well, anyway, nagkaroon din ako ng chance matitigan mukha niya. Hmmm, di ako nagkamali sa assessment ko rito nung una ko siyang nakita. May itsura ang mokong. Maputi, matangos ang ilong, red, small lips, pero the one that really caught my attention is his eyes. Parang pambata, yung pag tinitigan ka, parang laging nagpapuppy eyes? Argh. In short, mukhang maamo, pero gwapo. Nang marealize ko 'to, dali-dali akong nagpumiglas, at nang makawala, tumakbo ng sobrang bilis at nagtago likod ng building. I'm just a nobody. Siguro pinagttripan lang ako nun. Pero di ako assuming na may gusto si Sulpot guy sa akin ah. Nagpeplay safe lang ako. Alam niyo na, pabebe move. Haha.

"Huy beast! Magpakita ka sa akin!" Sigaw ng gorilla.

"Walang beast dito!!" Ang tatanga-tanga kong reply.

Natunugan tuloy ng mokong kung san ako nagtatago. Bungangang ito kasi eh!

"Uy andiyan ka pala."

"Ay hindi nandun ako oh, tignan mo tumatakbo na ako."

Lumingon naman ang ungas, kaya nagkaroon ako ng chance na makatakbo. Yes! Haha di lang pala ako ang tatanga-tanga, siya rin. Lol. Pero di pa man ako nakaka 5 steps, may humila ng napakalaking ulo ni Beast na siyang nagpa-stop sa akin kakatakbo. Well, nakahinto nga ako pero naka bending position ako. Wala eh, hinila patalikod yung ulo eh. Kung bakit kasi suot ko pa ito.

"Pwede mo na siguro akong bitawan, kung sino ka man? Ang hirap ng posisyon ko oh."

"Bakit? Sa anong posisyon ka ba mas kumportable?" Wika ni Sulpot in a sensual way.

"Pashnea ka lubayan mo ako!" Nagwriggle ako hanggang makaalis yung ulo ko sa ulo ni Beast. Kaya lang....

"@#$&*! Argh!!!" Yun nga, nakabending position ako, nakawala sa ulo ni Beast at bumagsak una likod sa lupa.

"Ahm.. sorry, di ko sina...."

"Sorry your ass!" Sigaw ko tsaka ako nagwalkout. Bahala na kung san mapunta yung mga tickets na yun. I'm out.

-----------------------------------------------------------------
A/n:

Hi guys! Wow, I just can't, omg! I couldn't imagine na my story would be noticed like this! Thank you so much po sa support! I'm so ashamed di ako naguupdate tuloy :(. Nagkawork na po kasi kaya busy ang peg. Pero pipilitin ko pong magupdate para sa inyo. I love you all! 😍😍😍😍

PA(G)ASA (Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon