Ajay
Para sa isang taong mataas ang pride at sensitive, big deal ang nangyaring yun. Ikaw ba namang mapahiya, marumihan ang uniporme, masaktan and the worst part is ma-invade ang privacy? Well, most people will find me very onion-skinned pero sorry, this is who I am and I will never make an effort to change it. Kasalukuyang pabalik ako ng classroom namin nang mapagdesisyunan kong kumain muna sa cafeteria. All these crazy happenings left me hungry, at ayaw ko namang magutom ang beauty ko no?! Haha. It's a good thing na I have a very talkative and lively mind, dahil kung hindi, super boring ng kwento na 'to. Char!
"Pabili nga pong isang kalamay, isang half-long, isang ice cream, isang spaghetti, tsaka po P20.00 na sugar coated peanuts." Yeah, stress-eater ang peg ko ngayon. Nananaba na nga ko eh. Mararagdagan nanaman mga tigyawat ko niyan, hayyy. 😭 di ko kasi mapigilang kumain ng matamis na mani. (And if you're pertaining to a nut that's frequently getting wet, you are very welcome to leave this story now. Char lang!)
"Oh heto iho. P98.00 lahat." Abot ni manang sa tray na naglalaman ng aking ngangatain. Nagningning ang aking mga mata nang makita ko ang mga pagkaing inorder ko.
"Thank you po manang!" Dali-dali akong naghanap ng mauupuan para masimulan ang aking pag laps. (Gay word yun. Lol.) In fairness, ang hirap balansehin ng tray ah. Kung bakit ba kasi nagpwesto ako sa pinakadulo.
Nasa kalagitnaan ako ng paglamon nang may dumating na asungot, at tinabihan pa talaga ako!
"Hi." Epal talaga neto, kumakain yung tao eh. Di ko siya pinansin.
"Hi." ...
"Hi."
"Hi..."
"Pwede ba?!" Pabebe kong pagsagot pero may tapang. Di ko alam kung ako lang ah, but in the presence of good-looking guys, automatic akong nagiging palaban. Defense mechanism siguro.
"Nag-inarte pa kasi dito rin pala pupunta. Edi sana di ka na narumihan."
"Pake mo ba." Tuloy lang ako sa pagkain.
"Wait for me here. Pag umalis ka rito di lang ganun mangyayari sayo." He said with a sly look on his face.
Sinabi ko na bang naweweirduhan ako sa kanya? Let me reiterate it, this time tho mas iintensify natin: Super naweweirduhan na ako. First things first! Di ko naman siya kilala. Ni di ko nga alam name niya eh. Second! Transferee siya rito. Third! I'm just a nobody, bakit ako ang pinagdidiskitahan nito? Nasa gitna ako ng pag-iisip ng malalim with matching patong pa ng baba ko sa kamay nang dumating siya na may dalang tray ng pagkain. Ambilis naman?!
"Huwag mo 'kong masyadong isipin para makakilos ka ng normal."
"Kapal din ng isang 'to eh."
Inabutan niya ako ng Zagu chocolate flavor. Di ko pinansin. Then something dawned on me.
O...M...G...
I. Am. Eating. With. A. Guy
Never kong naexperience 'to, ever. Sabi ko nga sa inyo, super aloof ko and bihira akong magkafriends and mostly, mga bakla at babae pa. Di ko talaga alam anong gagawin ko that time.
"Oh, tulala ka nanaman? Zagu oh. Tagal ng pinila ko para diyan."
'Easy ka lang, Ajay. Breathe in, breathe out..'
"T-thank you, ah.. eh.."
"No problem. Let's eat."
Alam niyo yung pinagpapawisan ng malamig tapos nanginginig pa yung kamay na parang gripo na sa pagpapawis, tas parang napupupu na ewan? Ganun yung naffeel ko that time. Di ko alam anong uunahin kong kainin sa mga binili kong pagkain. Nawalan ako ng gana. Kinuha ko nalang yung Zagu na inaalok niya tsaka ininom habang nagshshake ang kamay. Lol
"So, you've been studying here since first year high school, right?"
"Ah.. huh?? What, eh.. a-ano?" Suddenly, I'm out of words. Para akong batang natututo pa lang magsalita.
"Di ka pala nakakaintindi ng English tapos nagbabasa ka ng Harry Potter? Ano yun, props?"
At sinaniban ako uli ng madaldal na espiritu.
"Excuse me ah, I don't know you, you're a complete stranger and I couldn't care less about your existence. This may sound like I'm full of myself, but can you please stop approaching me? I don't know what you're up to and what ever it is, I don't care. Now, go away!"
____________________________________________A/n:
It's been 7 months! Lol thank you super much guys for reading this. I can't thank you all enough. Sobrang hirap pala magsulat ng story. And share ko lang, based on my experience lahat yan, modified lang yung iba. Hahaha btw thanks again. Lalo na sa mga walang sawang nagccomment na iupdate ko to. Thank yoooou walang sawa. 💕
BINABASA MO ANG
PA(G)ASA (Boyxboy)
RomanceOrdinaryo. Simple. Ito marahil ang masasabi ng karamihan kay Ajay. Hindi katangkaran, hindi rin gaanong pansinin ang hitsura at hindi marahil pag-aaksayahan ng panahong titigan. Ngunit siya'y nakatagpo ng isang taong nagparamdam sa kanya na siya ay...