Outing na !! 30 minutes na lang, at makakaabot na kami sa Tagaytay at sa lugar kung saan kami matutulog.
Syempre, katabi ko si Rianne :) Hindi naman ako papayag noh kung sa iba siya tumabi. pero okay lang din kung si Kyle ^_________^ kaso pagkatapos nung nangyari ng nagdaang araw, pagkatapos niya akong ihatid, wala na , hindi na siya nagpakiramdam. nag eexist ba yung taong yun? hahaha .
30 minutes later...
YES ! nandito na kami, syempre pinagpahinga muna kami ni maam at baka napagod daw kami sa tatlong oras na biyahe. Na bored lang naman ako eh hindi naman ako napagod kaya umalis muna ako at nag lakad-lakad saglit para makita ang beauty nito.
Sumulpot naman bigla si Steven.
"Hi."
"oh.. Ste-"
"Ikaw lang yata mag-isa?"
"Wala, naisip ko lang na maglakad-lakad muna, bored ako eh.. ikaw?"
"Ganoon din"
"aw.."
"Sami."
"Oh?"
"sino crush mo?"
halos madapa ako sa narinig ko.. >.<
"Bakit?" tanong ko.
".." tama, wala akong narinig nasagot galing sa kanya.
" Actually, siya pa rin ang nasa puso ko ngayon, si Kyle, siya yung EX ko na sinaktan ako pero kahit ganoon siya mahal ko yun, alam mo kasi Steven nang una ko pa lang nakita si Kyle, niligawan niya ako na kahit kailan hindi pa nagawa sa akin ng ibang lalaki, sa tingin ko nga siya na yung lalaki para sa akin, nang bigla na lang nagkagulo ang lahat. Hindi ko alam kung ano ang tama ano ang mali. Basta yun na yun eh . "
"hmmmm"
"Eh ikaw? sino crush mo?"
"Ikaw."
".." <---- ako yan
"joke lang."
"awwwtsssss"
"BEST ! " nagulat na lang ako ng marinig kong sumigaw si Rian.
" tawag na daw tayo ni maam ! "
"sige steven, aalis na muna ako.. "
"'kay"
yun lang, at pumunta na ako.
---------------------------------------------------------
:)
BINABASA MO ANG
Love is sweeter the third time around
RomanceSa unang beses pa lang ng pagpasok ni Summer sa lovelife ay nabigo na kaagad siya. Dahil sa paniniwalang love is sweeter the second time around ay pinasukan niya na naman ang lovelife ngunit nabigo ulit siya, pero nakilala niya ang isang lalaking na...