Chapter 12

151 6 1
                                    

Huminto kami sa paglalakad ni Steven sa kanto, grabeh hinihila niya ako palabas ng hall namin  whew...

Heto na kami ngayon at walang umiimik kahit isa.

"steven, salamat..:

" kay lang"

"Hindi ko kasi alam kung bakit ngayon ay hindi pa rin ako linulubayan ni Kyle.."

"mahal po ba si Kyle, Sami?"

"...."

natigilan ako. mahal ko pa ba talaga si Kyle? 

" Hindi naman sa ganoon, kaso.." yun na lang ang nasabi ko.

"Sige, gagawa tayo ng paraan para malubayan ka niya."

"a-ano?"

"be my GIRLFRIEND"

"ANOO?!!"

Teka, okay ba yun ha? naks naman maka moves itong si Steven ! wagas ! 

"don't worry, ngayon lang.. matapos 'tong outing na ito, ay wala na.."

"s-sige"

Pero paano? ang bestfriend ko? si Rianne? ano na? :(

Bumalik kami ni Steven ng magkasama at magkahawak kamay (syempre, acting lang di ba?) pero sa tuwing nahahawakan ko ang kamay niya may nararamdaman ako na parang hindi ko maintindihan..

"Uyyyy! kayo na?" halos iyan ang maririnig mo sa buong hall, puro "kailan pa?" , "sure na iyan?"

Naku naman ! mukhang daig ko pa ang mga star sa hollywood neto !

"relax lang" binulungan ako ni Steven sa tenga na nakapagtaas talaga ng balahibo ko.. oh em goosiees.. please stop.

"o-ok.."

Buong hapon kaming sweet ang mga ikinilos, hindi rin ako pinapansin ni best, alam kong nagagalit iyon, kailangan ko lang talaga mag explain sayo best .. haay..

gabi na at nandoon na rin ako sa kwarto namin ni Best.

AWKWARD..

"ah.. best.." kinakabahan ako

"....."

"best alam kong galit ka, sorry"

Tumingin sa akin ang best ko at nakita kong umiiyak siya.

"sorry? best? alam mong masakit diba?! " malakas na sabi ni Rianne

"best, magpapa--"

"Ayoko na best ! uuwi na ako pabalik dun sa atin, kayo na lang mag enjoy sa malas na outing na ito ! bwisit ! "

"Best ! "

"huwag na huwag mo akong tawaging best dahil wala akong bestfriend na mang-aagaw at sinungaling ! "

Yun lang, at nawala na lang siya sa paningin ko, napaiyak na lang ako.

-------------------------------------------------------------------------------------

Love is sweeter the third time aroundTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon