[Kyungsoo's POV]
"Aba, Kai. Marami ka na atang ka-close ngayon ah" sabi ko
"Hehehe... wala eh gwapo kasi ako"
"Oo naman... totoo yun"
"Ha?"
"O-Oh bakit totoo naman na gwapo ka ah"
"Ikaw din naman" =/////=
OMGGGG!!!! Kinikilig ako kay Kim Jongin. Well, lagi kong kasama si Kai ngayon. Kasi naman si Baekhyun lagi na lang umaalis agad. Atsaka hindi na kami nagkakasabay papunta school at pag-uwian na.
Oo nga pala, nandito kaming dalawa ni Kai sa mall. Namamasyal at kumakain. Wala kasi kaming magawa.
"kyungsoo"
"Bakit?"
"May girlfriend ka ba?"
"Ha? Bakit mo naman yan natanong?"
"Wala lang, kasi yang mukha na yan. Mawawalan ng girlfriend"
"Naku, Jongin. Huwag mo akong ganan-gananin"
"Bakit naman? Masama ba?"
"H-hindi naman"
"Pag may gusto ka na babae, sabihin mo lang sa akin"
ANOOOO?!!! Hindi ako magkakagusto sa mga girls noh. Never never. Si Baekhyun lang ang gusto ko ok?
Ayy wait lang. Hindi niya nga pala alam na may gusto ako kay Baekhyun. Kaya mananahimik muna ako
"Ihh Kai naman eh, wala akong type na babae noh? Atsaka panira lang yan sa buhay"
"Eh naman.... anong type mo lalaki? o bakla?"
"O-oy... hindi naman sa ganun. Basta. Porket maraming umaaligid sayo na mga babae. Ganan ka na"
Ngumuso naman siya. Naku! Halata talagang flappy bird ang pagmumukha niya
-----
May gusto ba talaga ako kay Baekhyun? Kasi feeling ko kapag inaasar kami na BAEKSOO. Kinikilig ako at natatawa. Minsan nga sabi ng mga kaklase namin na namumula daw ako.
Wala pa naman ang nakakaalam nitong sikreto na ito except sa isa kong kaibigan na si Luhan.
REWINDDDD
"Pagod na pagod na akong kumanta, Luhan" sabi ko
"Bakit naman? Hindi naman napapagod ang boses mo"
"Napapagod na ako kapag nakikita ko si....."
"Si? Sino?"
"Ahhh Luhan... wag mo sasabihin ha kahit kanino"
"Sure, sino ba yun?"
"Si Baekhyun"
"H-ha? Si Baek? Talaga? Kailan pa?!!"
"Hoy, wag ka nga maingay. Ewan basta kapag lagi kaming inaasar na BAEKSOO. Kinikilig ako at namumula. Eh bestfriend ko naman kasi si Baekhyun"
CUUUUT!!!!
Bakit ba kasi ang cute ni Baekhyun? Nahuhumali talaga ako sa kanya. Tapos nagpapatawa pa siya palagi. He light up my world.
Well, hindi niyo pa nga pala alam na ghei ako ha. Si Baekhyun yan ang manly. Ewan ko kung bakit ang lambot lambot ko. Pwe!!! Pagbigyan niyo na ako. Kasi nga ghei ako at nagmamahal ako sa isang manly na si Baekhyun.
Napahiga naman ako sa kama at tinignan yung mga pictures namin ni Baekhyun sa laptop. Simula junior high school pa kami na ang magkaibigan. Kaya doon ko narealize na mahal ko siya. Ilang years ko ng tinatago itong secret na ito eh. Yun nga si Luhan pa lang ang may alam!!!!
-----
"Baekhyun"
"Baekhyun"
JONGINA!!! Hindi talaga ito mamansin eh. Ano bang problema nito?
"Baekhyun" tumakbo ako para mahabol siya
"Baekhyun" huehue pagod na ako kakatakbo kaya naman napaluhod ako at nahilo
"DO"
Sabay lumapit naman sa akin bigla si Baekhyun at Kai.
"DO, ayos ka lang?" tanong ni Kai
"Paano magiging maayos si DO kung ganito siya?" sabi ni Baekhyun
"Hindi, ayos lang ako" sabi ko
"DO, ano ba ginawa mo at bigla ka na lang napaluhod?" tanong ni Jongin
"W-wala, uhmmm kasi may tinatawag ako eh ayaw naman niyang lumingon" sinabi ko at tumingin kay Baek
"Next time, huwag ka ng ganon ha. Ako na lang ang tawagin mo" sabi ni Kai at tinulungan akong tumayo
ANO BANG PINAGSASABI NITONG FLAPPY BIRD??!!!!
"Dyo" sabi ni Baek
"Oh"
"Maiwan k-ko muna kayo diyan kasi mag-aaral pa ako"
"Ha?? Aalis ka na agad? Hindi mo lang ako i-cocomfort dito?"
"Next time na lang ha, mianhe"
WAAAAHHHH!!! ANO BANG NANGYAYARI SA FRIENDSHIP NAMIN NI BAEKHYUN?! Bakit lagi niya na lang akong iniiwasan?
-----
[Baekhyun's POV]
"DO, ano ba ginawa mo at bigla ka na lang napaluhod?" tanong ni Kai kay Kyungsoo
"W-wala, uhmmm kasi may tinatawag ako eh ayaw naman niyang lumingon" napatingin sa akin si DO
Ayoko siyang pansinin kasi nga nasasaktan ako tuwing nakikita ko siya!!! Okay?
"Next time, huwag ka ng ganon ha. Ako na lang ang tawagin mo" tinulungan namin ni Flappy Bird si DO sa pagtayo
ANG LANDI MO KIM JONGIN!!! BAKIT MO INAAGAW ANG DYO KO SA AKIN???
Oo, mahal ko si Dyo. Isang siya na kyeopta na kilala ko. Mabait, maalagain, matalino at hindi siya nasuko sa kahit ano mang bagay.
"Dyo" sabi ko
"Oh"
"Maiwan k-ko muna kayo diyan kasi mag-aaral pa ako"
"Ha?? Aalis ka na agad? Hindi mo lang ako i-cocomfort dito?"
Sorry, DO. Hindi ko talaga kayang makita kayoni Kai na magkasama!!!! Nagseselos kasi ako</3
"Next time na lang ha, mianhe"
Dumiretso ako sa Library. Pero habang nagbabasa naiisip ko si DO na iniwanan ko lang sa hangin. Ngayon ko lang nagawa siyang iwanan.
Bakit ba kasi dumating si Kim Jongin sa buhay niya?
Matagal ko nang mahal si DO, eh ako kaya napapansin niya?
Si Kai ba ang gusto niyang makasama?

BINABASA MO ANG
Hold On [Kaisoo & Baeksoo]
FanfictionNAGUGULUHAN? NALILITO? SINO BA ANG MAHAL NIYA? Magtatagumpay ba ang BaekSoo or ang KaiSoo?