Last Chapter!!! Huhuhu. Bye!
Feedbacks! Feedbacks!
--------------------------------------------
[Kyungsoo's POV]
Nakasama ko si Kai sa hospital buong gabi. Umuwi na kasi sila Baekhyun. Yun iniingatan nya ako. Inaalagaan. Sana lagi na lang siyang ganito sa akin.
Di ko malilimutan yung mga moments namin. Yung magkakasama kami. Buti na lang at nandito siya.
Feeling ko, ang mga iniisip ko. Lahat nang nangyari. Lahat ng masasaya at nakakaiyak. Pero habang patagal nang patagal. Nandito na naman ako. Bumabalik sa maliwanag na lugar. Bago ako nakapunta dito. Feeling ko may umiiyak. Bakit? Kawawa naman yun. Tapos may sumigaw ng pangalan ko.
"Kyungsoo! Kyungsoo!" hinanap ko kung sino yun. nakita ko na may bata. lumapit siya sa akin. "Halika, punta na tayo doon." sabi niya.
"Huh? Sino ka ba?" tanong ko.
Hindi nya ako sinagot. Tapos may naririnig akong umiiyak at tinatawag ang pangalan ko. Parang namatayan. Ang bad naman ng iniisip ko.
"Pssst. Hoy! Bata!" sabi ko. habang sinusundan siya.
"Bakit?" sabi nya.
"Nasaan ako?" tanong ko.
"Nandito. Tss. Ayy, nakalimutan kong sabihin sayo."
"Huh? Ano?"
"Dito ka na. Atsaka, wala ka na sa Earth. Di ka nag-eexist." sabi nya. ano?! di na ako nag-eexist?
"Niloloko mo ako."
"Hindi. Itong mukhang ito niloloko ka?" tinuro nya yung mukha niya.
"Hindi ako naniniwala." sabi ko.
"Edi wag!!" sabi nya. tapos naglakad papalayo.
"Di nga? Seryoso ba ito?"
tumigil siya sandali. "Oo. Maniwala ka na. Atsaka, alam ko yun iniisip mo kanina. Yung may umiiyak at tinatawag ang pangalan mo. Mga kaibigan mo yun, ang EXO. Kaya bye ka na sa kanila." sabi nya.
Hindi. Hindi. After 15 seconds, nawala na yung maliwanag na lugar. And -----------------
[Kai's POV]
"Clear!" sabi nung doctor. "Clear!"
*sniff* umiiyak na ako ngayon. Di na ako mapakali. di ko alam ang gagawin ko. nakatitig lang ako sa life machine (a/n: nakalimutan ko yung tawag dun sa may lines. mianhe.) buhay pa din siya. di siya mamatay.
"Clear!" sabi ulit ni doc. bigla na lang nag-alis ng mask si doc pati ang mga nurse. gawd!
tumingin ako sa life machine. then diretso yung linya. hindi. hindi. bawal itong mangyari. Kyungsoo!!!
"Ohhh. Kyungsoo!!!" sabi ko. tapos nasuntok ko yung bintana. pero di naman nabasag.
Bigla lumapit sa akin sila Suho. pinat nila ang likod ko. tapos napatingin sila. wala na si Kyungsoo. Noooo!
Bigla silang nag-iyakan. sa oras ngayon, wala kami pakialam kung sabihan kami ng bakla. kaibigan namin ito noh?
"Kyungsoo! Dyo!" yan na naman si Baekhyun. niyakap naman ito ni Chanyeol.
biglang lumabas yung doctor. "Excuse me. Sa tingin ko alam niyo na. Pero I'm very sorry. Di na talaga nya nakaya. Bumigay siya. Sorry. Excuse me." sabi nya. sabay alis.
napatungo ako. di ko man lang nayakap siya. di ko man lang nasabi ang lahat. nagsisisi ako sa sarili ko. nakakainis. bakit ganun? kailangan nya mawala kung kailan sasabihin ko sa kanya ang lahat na mahal ko talaga siya.
Bakit ganun? Bakit? Masyado akong naging late sa lahat ng bagay. Sana ako na lang yung namatay. Para bago ako mamatay, nasabi ko lahat sa kanya.
---
After 2 weeks, binisita ko si Kyungsoo sa grave nya. Dinalhan ko siya ng bulaklak. Then, nagsindi ako ng candle.
Umupo naman ako. "Kyungsoo! Alam ko tulog ka lang diyan. Di kita iistorbohin. Pero gusto kong sabihin sayo lahat." sabi ko. parang ang weird ko. "Kyungie, m-mahal kita." sabay patak ng luha ko.
"Sabi mo dati na di kita iiwan kahit anong mangyari. Pero ano? Ikaw ang nang-iwan sa akin. Nakakainis ka! Akala ko habang buhay tayo magkasama bilang kaibigan. Hayyst. Sana talaga! Ako na lang. Ayokong nakikita kita na nandito. Natutulog sa ilalim ng lupa." sabi ko.
Nakarinig naman ako ng footsteps. Pagtingin ko sila Suho at Luhan. Kaya pinunasan ko yung luha ko.
Lumapit sila sa akin. "Oh, galing kay Kyungsoo." inabot naman nila sa akin yung papel. "Sabi nya, ibigay ko daw yan sayo. Kasi ikaw lang ang may karapatan na basahin yan." sabi ni Suho.
Kinuha ko ito. Tapos binuklat ko ang laman.
Sa pinakagwapo kong kaibigan na si Kai,
Jongin, di ko alam kung kailan ko sasabihin ito. Pero sayo ko lang ito ipapabasa. Di ko nga alam kung bakit ako gumawa neto. Sana nga eh magulat na lang kayo sa mangyayari. Sasabihin ko sayo na may sakit ako, low immune system at feeling ko laging masakit ang ulo ko. Di ako mapakali. Nagpatingin ako sa doctor. Sabi nya may blood clot daw ang ulo ko. Natakot ako. Sabi nya di naman daw ganun kalala. Kaya naging comfortable ako. Then, habang tumatagal sumasakit na talaga. Ayokong pumunta sa doctor. Ayokong ma-operahan. At ayoko din na sabihin sayo at sa inyo ang kalagayan ko. Pasensya ha. Medyo tinago ko talaga. Siguro, kailangan mong maging matatag pag nawala ako. Ayos lang yan! Aalalayan kita lagi. Nandito lang naman ako. Sana mabuhay pa ako. Kasi may nagsabi din sa akin na mamatay ako sa maling oras. Yung daw may magsisisi. Di ko yun pinansin. Kasi nandiyan ka naman sa akin palagi. At mahal kita ha. Wag mong kalimutan. Mag-ingat ka diyan. Salamat sa pagiging isang kaibigan. Saranghae!
Nagmamahal,
Si Kyungie.
finold ko na yung letter. tapos pinunasan ko ulit yung luha ko. takot na ako.
Pero kailangan ko ng mag-moveon. Pero si Kyungsoo pa din laman netong puso ko. Di namin malilimutan siya. Nandito naman siya palagi eh. Aalalayan nya daw ako diba?
Basta. Alam ko na marami kaming pinagsamahan. Kahit lagi siyang moody. Nakakaya ko pa naman yun. Siya lang naman eh. Siya lang naman ang pinaka-MAHAL ko noon pa.
--------------------------------------------
Salamat po sa walang sawang pagsuporta!! Thank you. Hanggang dito na lang po yun story eh.
Sorry po kung laging slow update. Dami kasing tinatapos eh. Pero sana worth it naman po lahat ito sa inyo. Thank you po talaga!
Feedback naman po diyan. :)))
Padaan din po ng isa kong story na BaekYeon :)) Title po ay 'When I'm Fifteen'. Sana po mabasa niyo po iyon. Hihihi. Love lots! :*

BINABASA MO ANG
Hold On [Kaisoo & Baeksoo]
FanfictionNAGUGULUHAN? NALILITO? SINO BA ANG MAHAL NIYA? Magtatagumpay ba ang BaekSoo or ang KaiSoo?