Hello. Readers. Keep Supporting po. Need Feedbacks!!!
T.Y. :-*
Short UD!!
--------------------------------------------
[Kai's POV]
Nahilo ata ako pagkagising ko. Siguro gawa kasi kagabi nung party kay Baekhyun. Feeling ko ang awkward namin dalawa eh. Di pa din kami ganun magkaclose. Alam kong may inis pa din siya sa akin. Dahil nga kay DO.
Kaya nung pauwi na si DO. Naisipan ko na lang din umuwi. Para naman di ako masyadong ma-OP sa kanila. Pero kagabi nakausap ko si Chanyeol. Nagkwento lang siya at ganun din ang ginawa ko.
Pero kami ni Baekhyun. Wala talagang imikan kahit isa. Ano ba nagawa ko sa kanyang mali? Masyado naman siyang OA. Kakadating lang, taas na agad ng High Blood.
Bumangon na ako sa kama ko. Baka ma-late pa ako mamaya sa class. Patay din ako sa Prof namin.
7am na nung nakarating ako sa school. Pumunta muna ako sa Cafeteria. Nagugutom kasi ako. Di pa ako kumakain ng umagahan.
Um-order ako ng cup noodles and water. Bigla na lang may umupo sa harapan ko. Nagulat ako. Si Kyungsoo.
"B-bakit ka nandito?" Tanong ko sa kanya. Nag-shrug lang siya. Tinitigan ko lang siya. Natulala ata ako sa kanya. Kasi... wdagsgybe. Nevermind.
"K-kumain ka na ba?" Tanong ko sa kaniya. Syempre, concern pa din ako sa kaniya. Bestfriend ko nga yan eh. Umiling lang siya bilang sagot. "Um-order ka dun." Sabi ko sabay turo sa counter.
"Ayoko. Busog na ako." sabi nya naman. Busog?! Anong busog sa di pa kumakain? Di na ako nagsalita. Konsensya pigilan mo ako.
"Oh? Halika nga. Sayo na ito. Naawa talaga ako sayo." Binigay ko sa kanya yung kinakain ko. Tapos in-order ko siya ng bread. Seryoso, may pera ba siya? "Ito. Kain ka lang diyan." Sabay bigay ng bread.
"Salamat." sabi niya. Ano bang meron sa kanya ngayon? Di ko maintindihan.
Napatango na lang ako. "Sige. Alis na ako." Paalam ko sa kaniya. Tapos umalis ng Cafeteria.
Masyado na akong mabait kay Kyungsoo. Nakakalimutan ko na na mahal niya ako. Tss. Ayoko sa mga ganun tao, diba? It's just like I don't want to bond with them. I don't know why Baek and Soo be in a relationship then. I can't imagine. Whatever. I don't care.
"Kai!" may tumawag sa akin. Kaya napalingon naman ako. Si Baekhyun. Di ko siya pinansin at nagdiretso lang ako sa paglalakad.
"Jongin. Jongin!" Tapos hinila niya ang braso ko. Tumingin lang ako ng masama sa kaniya. Ewan ko kung bakit.
"Bakit?" tanong ko sa kaniya.
"Layuan mo si Kyungsoo!" sabi niya. Di ko siya maintindihan. "Oo. I know you can't understand. But, he's suffering now. Alam ko naman ang storya niyo eh. Layuan mo siya!" Umiling-iling ako. Huh? Di ko naman pinapansin si Kyungsoo ahh. Di nga kami nag-uusap.
Iniripan ko lang. "Ako ba tinakot mo?" tanong ko. "Iniiwasan ko siya noh? Minsan talaga... nakokonsensya ako."
"Kaya nga eh. Kaya tigilan mo siya. Dahil masyado ka nang mabait. Dahil diyan sa conscience mo!" sabi niya. Si Kyungsoo, di ko siya matitiis. "Fyi, may sakit si Kyungsoo. Mahina ang immunity niya. Kaya wag mo na siyang saktan, kung di mo naman siya mahal." tapos umalis na agad siya.
Bigla akong nakaramdam nang bilis ng tibok sa puso ko. Hindi ko maintindihan. Kaya wag mo siyang saktan, kung di mo naman siya mahal. Paulit-ulit na sumisigaw sa utak ko. Bakit?
Sa lahat ng pinagsasabi ni Baekhyun, parang ayoko siyang sundin. Maraming reasons para ko sabihin. Una sa lahat, ayaw nya talaga sa akin. Di ko alam. Medyo seloso ata. Syempre, di ko talaga matitiis na di pansinin si Kyungsoo. Noong past days, nabigo lang talaga ako. Pero di ko pala kaya na wala siya sa tabi ko.
Naupo muna ako sa swing sa may playground. Gusto kong makapag-isa. Pinapanood ko lang yung mga bata dito. Buti pa sila, masaya ang buhay. Wala masyadong problema. Sana bata na lang ulit ako.
May tumapik sa noo ko. Si Kyungsoo. Nakangiti naman siya. Bigla ko siyang niyakap.
Napatawa naman siya ng mahina. "Bakit, Jongin?" tanong niya. Umiling ako. "M-may problema ka ba?"
"Kyungsoo, ayoko kitang mawala sa akin. Sorry na sa lahat nang nangyari. Di ko yun sinasadya. Ayoko lang ikaw mawala sa akin. Please? Yung kay Yuri wala na yun. Di ko narealize na di naman talaga siya para sa akin. Pasensya na." Kumalas ako sa pagkakayakap. Bigla nyang pinunasan ang luha ko. Di ko namalayan yun ahh.
Ngumiti muna siya. Then, huminga nang malalim. "Ano ba yan pinagsasabi mo?" tanong nya. Di nya gets. Ayy, ang pagong. "Dapat nga ako yung mag-sorry sayo. Kasi minahal kita. Tapos di mo naman ako... mahal." Napayuko naman siya.
Di ko alam kung paano i-comfort. Pero sorry din. Tinaas ko naman yung ulo nya. Hinawi ko yung bangs niya.
"Ayos lang yan." sabi ko sabay ngiti. "Aray!" Hinampas niya kasi ako.
"W-wag mo nga ako daanin sa ngiti mo diyan. Nadadaan ako eh." sabi nya naman. Psh. "Friends na ulit tayo?" tapos nagpinky swear pa siya. Isip-bata! Nagnod ako at naki-pinky swear na din.
"Wag mo akong iwan ha, Kyungsoo." sabi ko sa kanya. "Natatakot ako pag di kita kasama eh." tumango-tango lang siya.
"Kyungsoo!!!" napasigaw naman ako. What to do?

BINABASA MO ANG
Hold On [Kaisoo & Baeksoo]
FanfictionNAGUGULUHAN? NALILITO? SINO BA ANG MAHAL NIYA? Magtatagumpay ba ang BaekSoo or ang KaiSoo?