//walo//

6 0 0
                                    


"So ano, tayo na?"

Kinuha mo yung bag ko at hinawakan ang  kamay ko.

Tinignan mo ako at tinignan din kita.
Hindi ko alam kung maiiyak ako o matatawa kasi para akong sinuntok ng paulit ulit dahil sa sakit na nararamdaman ko pero nasisiyahan pa rin ako kung anong meron tayo ngayon.

So ang tanong, tayo na?
Siguro kahit papano nakakalimutan mo na yung mga sakit na dinanas mo, kahit papano napapasaya kita.

"Oo, tayo na" sagot ko sayo.

Magkahawak ang ating kamay at sabay tayong naglakbay.
Sa agos ng buhay ako sayo'y nakaagapay.

Diary ng isang matalik mong kaibigan.Where stories live. Discover now