Akala ko ako na, sya pa rin pala.
Akala ko okay na tayo, akala ko magiging masaya na talaga yung ikaw at ako, tayo."Hindi pa ba sapat ang lahat?"
Hindi ko na rin napigilan ang pagtulo ng mga luha ko kasabay din ng pagpatak ng mga butil ng ulan sa kalawakan.
Hindi talaga KJ tong ulan, nakikisabay din sa puot na aking nararamdaman.
Paano ba makakaiwas ang puso kong nagagasgas? Paano ba makakatakas ang puso kong nakaposas?
"I'm sorry, hindi ko sinasadya"
Pagluhod mo sa aking harapan, hinatak kita patayo dahil ayaw kitang nahihirapan.
Okay lang na ako ang nasasaktan dahil ikaw ang aking pinapahalagahan.
YOU ARE READING
Diary ng isang matalik mong kaibigan.
Short StoryLalaban ka pa rin ba sa isang digmaang alam mong duguan ka na at may nanalo nang iba? Paano mo maisasalba ang sarili mo, kung nasalba na nya ang sarili nya?