Lumipas ang mga araw, buwan at taon na ika'y hindi na nakikita pinilit ko na isalbar ang aking sarili.
Inisip ko na balang araw makakaahon din ako sa isang delubyong nangyari sa akin, inisip ko na may mas maganda pang mangyayari sa buhay ko.
Nagulat nga ako ng may kumausap sa akin na matanda "hangga't may buhay may pag-asa"
nginitian nya ako at ngumiti nalang din ako.Ito na ba ang simula?
Ang simula ng pagbabago para sa sarili ko.Sa mga panahong wala wala talaga ako, hindi ako nagdalawang isip na lumuhod at kausapin Sya. Hindi ako nagdalawang isip na sabihin sakanya ang lahat lahat na nangyari at ipinaubaya ko na sakanya ang lahat.
"Panginoon, ikaw na po ang bahala wala na akong magagawa at handa na akong harapin ang bawat araw na tatahakin"
Kaya ngayon, handa na ako handa na akong harapin sa bagong umagang paparating.
YOU ARE READING
Diary ng isang matalik mong kaibigan.
Short StoryLalaban ka pa rin ba sa isang digmaang alam mong duguan ka na at may nanalo nang iba? Paano mo maisasalba ang sarili mo, kung nasalba na nya ang sarili nya?