//sampu//

7 0 0
                                    

Pilit mang kalimutan pero ikaw pa rin talaga, sa bawat bagay na nakikita ika'y natatandaan, sa bawat lugar na aking pupuntahan ika'y aking nasisilayan. Paano nga ba kita malilimutan kung simula't sapul ikaw at ikaw ang laging kasama.

Ilang tissue pa ba ang uubusin? Ilan school days pa ba ang lilibanin? Ilang araw, linggo, buwan, taon pa ba ako magiging ganito ng dahil lang sayo.

Sayo. Sayo ko naranasan ang ganitong sakit na aking nararamdaman. Sayo ko rin nararanasan ang mga masasayang damdamin dahil ikaw ang aking kaligayan. Ikaw na kahit kailan ay hindi ako magiging sapat sayo.

Kailan pa ba naging sapat ang isang hamak na kaibigan lamang? Kailan pa ba nagkasaysay ang isang magiting na sandalan na kaibigan?

Alam ko naman kung ano ang mga kasagutan subalit hindi ko matanggap kung ano ang mga nilalaman.

Diary ng isang matalik mong kaibigan.Where stories live. Discover now