Hinahabol ang dalagang si Kieshan ng isang lalaking nakaitim at hindi makilala dahil sa suot nitong hood..
Patuloy parin sa pagtakbo ang dalaga kahit hindi na niya alam ang kaniyang papupuntahan..
Ang tanging alam niya lamang. Ay kailangan niyang makalayo sa lalaki dahil ito ang lalaking noon paman ay nais na siyang makuha!
"sino kaba? Anong kailangan mo sa akin!?" sigaw ng dalaga kahit hindi niya alam kung saan at sino ang kausap niya!
Takbo parin siya ng takbo kahit na nga puro dugo na ang kaniyang mga paa dahil sa mga naapakan niyang sanga at halaman sa kaniyang dinaraanan..
Mas lalong bumilis ang takbo niya ng marinig ang isang bulong ng isang lalaki na tila inaalihan ng mga demonyo!
"i'm just here my love!"
Kaya naman ,
mas tumindig ang balahibo ng dalaga at hindi niya namalayang may kahoy sa kaniyang dadaanan kaya siya'y natumba..Pilit siyang bumabangon ngunit wala na siyang lakas upang tumakbo pa ulit.. Pilit niyang iginagalaw ang kaniyang mga paa ngunit tila manhid na rin ito,dahil narin sa layo ng kaniyang tinakbuhan..
Tanging tanglaw ng buwan na bilog ang nagsisilbing ilaw ng gabing iyon..
Ingay lamang ng mga dahon, puno at mga sangang naghahampasan ang maririnig kasabay ng kaniyang bawat paghinga at malakas na tibok ng kaniyang dibdib..
Mas lalo siyang kinakabahan sa nakakabinging katahimikan..
Napansin niyang tila mas lalong lumalim na ang gabi..
Halos mapakuripas siya ng takbo ng may narinig siyang kaluskos sa isang mapunong lugar..
Napalingon siya roon at doon niya nakita ang lalaking kanina pa humahabol sa kaniya..
May hawak itong kutsilyo at nakangiting naglalakad na animo'y nababaliw ...
Hindi mo makikita ang mga mata nito at tanging nakaguhit na labi lamang ang maaaninag mo sa kaniyang mukha!Sa bawat hakbang ng lalaki ay pinipilit niyang tumayo at tumakbo..
Dahil batid niyang kapahamakan ang dala ng lalaking iyon!
Ngunit huli na sa pagka't nakalapit na sa kaniya ang misteryosong lalaki..Ambang itatarak na nito ang kutsilyo sa kaniyang katawan ngunit..
Wala sa sariling nagsalita ito na nagpakalma sa dalaga.."magsasama na tayo Zhania.. wala nang maghihiwalay pa satin.. Mahal kita!"
Isasaksak na nga ng lalaki ang kutsilyo at pinilit niyang sumigaw..!
"HUUU--WWAAAG!!"
Napabalikwas si kieshan na isa lamang pala iyong panaginip.. Isang napakasamang panaginip!Pinagpawisan ng malamig si Kieshan kasabay ng kaniyang kabadong puso..
Kahit na alam niyang bangungot lamang iyon, ngunit may kakaiba siyang nararamdaman..
Ayaw niya rin namang bumalik sa pagkakatulog dahil natatakot siyang managinip ulit..
Bumangon nalamang si Kieshan at nagtungo sa kanilang kusina kung saan nakita niya ang kaniyang Ina na nagluluto ng agahan..
"Good Morning Ma,"
Bati ng dalaga sa kaniyang Ina kahit na ito'y nakatalikod pa.."Good Morning too Anak!"
Masiglang Bati rin ng Ina ni Kieshan sa kaniya..."papanik na sana ako sa kwarto pero nagising kana, ang aga ahh?!" dugtong pa ng Ina nito.
YOU ARE READING
When You're Gone...
Misterio / SuspensoThis story is made because of boredom😂 When it strikes i write😍 Hope you enjoy! "katas ng boredom"😂😂