August 2, pasukan na, halos humahango ako sa pag takbo dahil late na ako, siyete naman oh pag talaga nakita ko ulit yung jeep na yon tutuktukan ko bunbunan ng driver na yon, papasok na ako ng gate ng biglang sinita ako ng guard, "sir yung polo mo paki ayos." Damn it! Naka bukas yung 2 buttones sa taas di ko na malayan, tas ayun nagkanda leche leche ako sa pag hahanap ng room, tas pag dating ko kala mo may owl na tumutunog *kroo* *kroo* jusko nagtinginan lahat sila sakin kase grabe pag ka bukas ko ng pinto dahil sobrang stiff ng pinto edi ayun umupo na lang ako sa pwedeng upuan, unang una ko pa naman na subject ay Biology, edi ako habang wala pang prof chineck ko muna cellphone ko, kunwari may ginagawa pero sa totoo wala naman talagang ka text ka chat or kung ano ano pa, sobrang na boring ako nakapalumbaba na lang ako tas napansin ko may katabi pala ako nag cecellphone din siya, tumingin ako ng pasulyap nakakahiya kase kung titignan ko ng matagal, Ang hindi ko alam nakita niya pala akong sumulyap, kinalabit niya ako, at kinausap niya ako "hi, Von" tas inabot niya kamay niya ako naman medyo nahihiya "Ver" at tuloy tuloy kaming nag usap "versace on the floor" tas bigla siyang tumawa, la? May sapak ata natabihan ko unang una palamg kami mag uusap nang insulto na ako tumawa na lang ako kahit sa utak ko minamassacre ko na'to hahaha joke. Edi ako as lalake kinausap ko na din mukhang kalog naman, "saan ka nag highschool?" "Sa skwelahan" tas biglang na pa pokerface ako, tao ba talaga tong kausap ko sarap bigwasan eh. "Ahhh" napa ganon na lang ako tas biglang siyang nag salita "joke lang eh, eto masyado" "lakas mo kayang mambara" "hahaha masanay ka na sakin" "okay, so saan nga?" "Sa imus institute" "Wow yayamanin, Burgis" "I.I lang mayaman na agad?" "Jusko tuition niyo wala pa sa buong babayaran sa 2 sem natin dito eh" "Hahaha, oo nga no? Bakit ganun mas mahal yung tuition ng pang highschool" "ewan mukha ba akong may ari ng school?" HAHAHAHA bumawi ako "ayy bastos oh, kuya alam mo yung lason? Inom ka non sarap yon" "Sus wag na, kung gugustuhin ko lang mamatay bakit di ka na lang mag mahal ng di ka kayang mahalin" naka ngising sinabi ko "La? May pinagdadaanan ka?" "Wala naman" "Ayy taray! May shoke ka pala" "Wish ko lang" tas bigla siyang napahinto "Ay wala ba? Sorry hahahaha" "kala mo siya meron" "meron kaya" bigla akong tumawa kase pinakita niya picture ni James reid "Eto oh" tumawa ako ng tumawa "Hahahaha nyeta, kala ko meron buwahahaha, eh kambal ko yan eh." "La? Medyo makapal po." "Oo nga, Ako nga pala si James Weird" tas bigla siyang tumawa "Benta" "pwede na bang yumaman?" "Pwede pwede, kamukha mo panaman si Jose" "Jose Rizal?" "Tanga kailan pa naging kumidyante si Rizal?" "Ayy sorry na sabi ko nga eh." Biglang may nag announce sa harapan "wala daw pong prof." As usual first day eh laging ganto naman kahit noong Highschool pa.
Author's note:
Saka ko na ito itutuloy pag medyo nakaisip ng magandang pangyayari hahaha para maganda yung kinalabasan.Kung medyo malungkot or medyo di maganda baka wala po ako sa mood or may dinadala lang hahahaha. Ciao✋✌
BINABASA MO ANG
The Day I Said I Love You
Humorpain makes us 'stronger', but do we need to get hurt just to become strong? why can't we just be happy and gain some strength to those people we love, is it because life is too unfair?