Yes, I'm brave. But I'm not strong enough to handle all situations.

18 1 2
                                    

Author's note: sorry kung maikli, yaan niyo babawi ako hehe.

So i will continue about what happened on that day, since inannounce nga na walang prof lumabas kami kase may 2 hours vacant ako, since 1pm pa start ng class namin ulit niyaya ko siya, "Uy, sabay na tayo kumain" "sige, saan ba gusto mo?" "Kahit saan, ikaw saan ba gusto mo" "tara dun lang tayo sa karinderya mahal masyado sa mcdo haha" "sige sige" "Oy baka di ka nakain sa mga ganun ha?" "Ayy grabe siya tingin mo sakin rk?" "Ikaw nga itong mayaman." "Hindi ako mayaman baliw to, pinag-aral lang naman ako dun" "ahhh sabi mo eh." Edi ayun umorder kami, Hahahaha jusko po parang siyang bata kumain tapon tapon yung kanin. "HOY! Yung kinakain mo tapon tapon." "La? Ikaw nag bayad nento? Ikaw? Ikaw?" "Sayang kase." "Edi kunin mo HAHAHAHA" "Napaka loko mo talaga" tas biglang nagtanong ng seryoso parang nag iba ihip ng hangin "yung seryoso, broken ka?" Di ko alam kung may sapi tong babaitang to eh bigla nagiging seryoso "Di ko alam" "Gago ka ba? Sarili mo di mo alam?" "Siguro ganun na nga." "Na alin na broken ka nga?" "Oo." "Bakit ano ba nangyari" "wag na lang narin pag usapan haha" pinilit kong tumawa pero may sakit parin akong nararamdaman pag naaalala ko kung pano niya sinira yung 2 years namin sa isang maikling sentence. Yung tinapos niya lang sa "ayoko na. Sawa na ako" Bullshit lagi na lang ganun napaka unfair niya, Nag mahal ako ng lubusan inignore ko yung iba taena tas ganon lang kadali lahat? Ano ba ako laruan na kayang iwanan kahit anong oras. "Hoy tulala ka na ver." "Haha wag na kase natin pag usapan" "okay, kung yan ikagagaan ng pakiramdam mo." "Ikaw ba broken ka din ba?" "Oo" "oh pareho lang pala tayo eh." "Kaso pinag kaiba natin nag pakatanga pa ako lalo" "Sa paanong paraan?" "Tipong alam ko ng niloloko ako pero tuloy pa din ako." Kakakilala ko palang sakanya pero nag oopen na siya, Alam niyo bang nakakataba ng puso pag nag oopen yung tao kase nag ttrust ka sakanya at yun ang pinakahahanap ko sa tao, "o bat mo pinag patuloy eh niloloko ka na pala" "Love makes us weak." Ayun nakuha niya, tagos eh saklap. Totoo yun, tipong sinasabi nila, bakit ka nag papaka tanga eh di ka naman mahal na, eh ang tanong di ko na ba siya mahal, ganun talaga pag mahal mo yung isang tao kahit masakit o minsan wala kang karapatan ayos lang, titiisin mo kahit ang hirap sa part mo kahit napaka unfair para saiyo gagawin mo, wala eh si tanga ka umiibig ka ng walang kapalit, umaasa ka na masusuklian lahat, pero diba ang unfair bakit mo sasaktan yung taong ang gusto lang ay mahalin ka? Eh diba yun naman ang hinihiling natin na may mag mahal saatin tas hindi natin bibigyan ng chance? ganun siguro kadali yun para sa iniibig pero para sa umiibig napakasakit yung di ka mahalin, yung one sided love, yung tipong mapapaisip ka lagi 'worth it ba 'to baka lahat ng ito wala di sa huli' pero naiisip mo din baka sa dulo meron naman baka sa dulo mabayaran lahat, kumbaga nag iinvest ka palang, it's either mababank crup, walang kasiguraduhan, pero mas maganda mag try kesa mag regret ka sa huli na. Pero mabubuhay ka ba sa what if's and maybe? Diba mas maganda kung pareho kayo nang nararamdaman. Wala na akong iba nasabi sakanya kundi "totoo." "Pero di naman permanente lahat ng 'to" sabi niya "Malay mo diba eto pala yung dahilan para makilala natin yung para saatin." Mapapaisip ka nalang talaga, kadalasan talaga ng taong kala mo masaya lagi eh mahirap pala yung dinadala.

Author's note:
Kung may error pasensya na po newbie palang eh hahaha. Salamat po kung binabasa niyo at salamat kung magugustuhan niyo yung ka dramahan.

Salamat po kay Hazel Broncano at Roxanne Monzon dahil sakanila gusto ko pa mag sulat.

The Day I Said I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon