Author's note:
So ayun. Sana maganda para sainyo itong susunod na ito, sorry sa errors yaan niyo eedit ko yan.Salamat sa lahat ng bumabasa nakakataba ng puso, mataba na tas pinapataba niyo pa, oops triggered HAHAHAHA. Let's start.
*Vhon's P.O.V
Edi ayun natapos na kami kumain, sabi niya meron ka tapos tinuturo niya yung right side ng bibig ko, akala ko may dumi punas ako ng punas edi siya turo ng turo meron parin daw tas ako tong si tanga punas talaga ng punas, punyemas mabubura na ata mukha ko kakapunas sabi ko"ANO BA?! WALA NAMAN EH!"
"Baliw may nunal ka sa malapit sa labi mo. HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!"
"BALIW KA TALAGA. YARI KA SAKIN"
ayun. Sinabunutan ko siya eh halos matanggal anit niya eh HAHAHAHA. Tas yung mga dumadaan nag titinginan samin, wala akong pake, biruan lang namin to."Grabe tong kumag na'to maka sabunot kala mo kakalbuhin ako eh, di mabiro eh."
"Eh kung di ka panaman kalahating engot eh halos mabura mukha ko dun!"
Tas tumawa nanaman siya, ang cute tumawa ni kumag eh parang hinihika eh dejk. Tas ayun sumakay na kami ng jeep edi syempre pagod kami pareho, pa dasma sinakyan namin malapit lang pala bahay ni kumag saamin pero mag kaiba kami ng subdivision.
"Ako na bahala." Sabi ni kumag, siyempre nahihiya ako kunwari kase siyempre di pa naman kami masyado close kaya sabi ko.
"Wag na, ako na."
"Ako na sabi eh, bayad po!" Ayun ayoko na makipag away at baka mag upakan ulit kami, tas biglang may sumakay na napaka harot na couple, toxic eh, nako baka masunog ko 'tong mga 'to eh kala mo naman sila lang mag jowa sa buong mundo eh. Biglang tinapat ni Ver yung cellphone niya sa mukha ko.
*wag ka masyadong pahalata na bitter, mukha kang dragon makatitig, laki ng butas ng ilong mo.* ayun tinignan ko siya na parang nangkit yung mga mata ko na parang galit tas tawa siya ng tawa, binulungan ko siya.
"Ambaho mo." At binulungan niya din ako, hahaha parang pikon siya.
"Tangek, hininga mo yun."
"Tangek, amoy baktol ka."
"HAHAHAHAHAHA, hininga mo amoy bulok na medyas." Di pala siya pikon, jusko lakas mang asar halatang may katapat na ako sa mga pang aasar ah? Ok 'to.
"Pero ampanget nilang pareho no?" Binulong ko sakanya halatang pinipigilan niya tawa niya, tas umiilin iling pa.
"Hahahahahaha loko ka marinig tayo, sabihin mas panget ka, mag bigti ka pa."
"Excuse me di naman ako mukhang troso." Mas lalo siya tumawa jusko ambabaw ng kaligayahan niya. Pero may napansin ako sakanya, kahit pawis siya, lintek na ambango talaga niya, amoy na amoy yung pabango, kalo mo orig pabango eh, pero promise, ambango talaga amoy fishball HAHAHAHAHAHA dejk. Mabango talaga tong kumag na 'to.
"Manong tabi lang." Ayun bumaba na kami, tas si Ver mukhang pagod na pagod na talaga, kala mo nakipag bugbugan eh, sabagay binugbog ko siya kanina eh,
"O pano? Bukas na lang tayo makita?" Sabi ko sakanya.
"Magkita lang walang 'tayo'." Bigla akong nagulat sa sinabi niya at nairiya nanaman ako sa mga pinag sasabi niya.
"Alam mo sarap mong patayin."
"Masarap lang walang patayin"
"Nyenye panget mo, ge bukas na lang."
"Sige ingat tanga ka panaman." Ayun sumakay na siya tric. Nauna siya , tas tinext niya ako.
BINABASA MO ANG
The Day I Said I Love You
Humorpain makes us 'stronger', but do we need to get hurt just to become strong? why can't we just be happy and gain some strength to those people we love, is it because life is too unfair?