I just wanna make you feel good on your bad days.

13 3 0
                                    

Author's note:
Magiging madrama itong chapter na ito. Siguro itong story na ito eh mahaba haba, sana patuloy ninyong basahin kahit ubod ng drama

Pipilitin kong tatawa at luluha kayo sa storyang ito. Salamat.

Ver's P.O.V
Sh*t! Late na ako, umaga nanaman sched ko. Puyat pa more lagi na lang ganito sa umaga nag hahabol ako sa oras. Ambilis kong naligo at nag bihis, Di na rin ako nakapag almusal di na rin ako. Edi nakasakay na ako ng tric binuksan ko mobile data ko, jusko napakabagal sarap di mag load hahaha, edi ayun nakaconnect naman na. Pasakay na ako ng jeep tas may nakita ako notification pero binuksan yun ay sumakay muna ako.

'Venedicta Perez posted in Filipino-1a group.' Napupunyeta na ako sobrang bagal ng internet tas medyo malayo layo na din ako sa costal. Nakita ko na yung post niya na kinaguho ng mundo ko

"1a wala po tayong pasok ngayon sa Filipino kase pupunta po kami ng Main campus at doon ay may gagawin kami." Yung nakita ko yang sentence na yan maraming pumasok sa isip ko gaya ng.

"Tanga mo Ver, may net kayo sa bahay pero di mo chineck muna, may load ka din bat di ka nag text?" ._. Wala akong magawa ang unang naisip ko ay mag laro na lang ng dota 2, tinext ko agad si mark.

"Pre pwede ka ba ngayon? Laro tayo atod!"
Nag reply naman agad si kumag kaso alam mo na may pasok din siya. Wala akong maisip na gawin, Since wala naman gagawin tinext ko erpats ko.

"Dad, wala kaming pasok ngayon pwede ko po ba mahiram yung sasakyan?"

"Sige, kunin mo na lang yung susi sa lamesa ko. Mag iingat ka." May lisensya naman na ako ang kaso mo wala naman akong sariling sasakyan at ayaw pa nila ako bigyan kase malaki gastusin at gusto nila focus ako sa pag-aaral. Tinext ko si Vhon para yayain mag gala.

"Kumag may gagawin ka?" Sana hindi busy 'tong kumag na 'to. Ayun nag reply na siya.

"Wala naman bakit?"

"Tagaytay tayo?"

"Tagaytay lang walang tayo."

"Napaka mo, seryoso nga ano? G ka?"

"Sige ligo na ako. Kita lang tayo sa costal."

"Sige text mo ko pag papaalis ka na ng bahay niyo." Di ko pa kasi alam bahay netong kumag na 'to, Umuwi na ako jusko napaka init kala mo sinisilaban ka kahit umaga palamang.

"Tagal naman mag bihis netong hinayupak na 'to di ka naman na gaganda eh, wag ka na mag paganda."

"O talaga? Sus baka pag nakita mo ko malaglag yang mga ngipin mo."

"Ay wala na OA na, saka ambaho baho mo pa." Hahahaha inaasar ko siya dahil gusto ko siyang makitang mapikon.

"Paalis na ako ng bahay siguraduhin mong mauuna ka dun kasi ayoko mag hintay."

"Sus, sanay ka naman na mag hintay, gesi punta na ako dun."

"Sige ingat." So ayun umalis na ako ng bahay gamit ko yung sasakyan. Ang init talaga jusko feel na feel ko ka hot-an ko. Ugh! Nakita ko na siya, Walang halong biro ang ganda niya, ganda niyang bungguin dejk. Naka black siya at naka t-shirt na logo ng Bring Me The Horizon na band, napa wow na lang ako kasi idol ko yung band na yun lalo na si Oliver Sykes.

Binuksan ko yung bintana ko at nagulat siya di niya siguro alam marunong ako mag drive at siguro akala niya saakin tong kotse.

"Tara sakay na." At sumakay na siya.

"May kotse ka pala eh!" HAHAHAHAHA GULANTANG SI LOKO KALA TALAGA SAKIN HAHAHA.

"Di akin to, sa tatay ko to."

The Day I Said I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon