We met for a reason, either you're a blessing or a lesson.

12 3 2
                                    

Author's note:
Sorry po sa mga errors, medyo antok ako nung ginawa ko yun hehe. So let's start.

Tinanong niya ako, tinanong niya kung bakit kami nag hiwalay, kung sa tutuusin di ko din alam, di ko alam kung bakit, marami akong tanong, marami akong gustong itanong sakanya kung bakit ganun ang nangyari saamin, Basta alam ko masaya kami bago kami mag hiwalay wala akong maisip na rason kung bakit niya ako iniwan ang tanging nasagot ko na lang sakanya ay "Sawa na daw siya eh."

Mag papakikilala muna ako sainyo. Ako nga pala si Vhonica Taide, Kung taga cavite medyo makakarelate kayo sa mga lugar, hahaha. Isa akong babaeng mairitahin pag nakakarinig ng pantangang tanong tipong mapapaisip ka kung buhay pa mga brain cells ng nag tatanong, ganon. Si Ver ang una kong nakilala sa campus kase siya lang talaga yung walang kausap at mas okay lang yung isa lang kausap sa campus at ayokong madaming kakilala, kase karaniwan sa college may grupo, tas minsan nag aaway eh ayoko ng ganun, pinaka ayoko ng away kase puro ganon ang nangyayari sa bahay kaya ako pati sa campus eh ganon din, fed up na ako sa mga ganyang bagay tipong lumalayo talaga ako pag may away, maiba nga pala, ayun sobrang init sa campus, kasama ko si Ver sobrang init, kala mo nasusunog ka, kala mo eh may lava eh, kaninang umaga di ko inaakala ang mga sagot niya ay tila kaprehas ng sagot namin sa bawat tanong na 'Bakit ka iniwan' minsan mapapaisip ka kung bakit kayo parehas nag kaganit, bakit parehas kayong pinag tagpo sa parehong sitwasyon na pilit niyong tinatakasan ang bawat tanong na 'Bakit kayo naghiwalay' 'Bakit ka iniwan' wala naman akong pagkukulang wala akong nakikitang rason kung bakit bigla na lang nag sawa, Diba yun naman ang hinahap natin yung iparamdam ang pag mamahal tas sasabihin, 'sawa na ako' 'ayoko na di na kita mahal' ganun na lang kabilis masira ang kasiyahan, sa isang katagang binitiwan na halos ikaguho ng mundo mo, yung nag mahal ka lang ng tama pero kamalian igaganti saiyo, Tama nga sabi nila wag mahal ng sobra kase nakamamatay, Naniniwala na ako. Yung ex ko na lang dati kung bakit ako nasaya, yung magulang ko kase away ng away, Di ko na alam gagawin ko, si God na ang bahala saakin, kaya lagi na lang ako nakikitulog sa bahay ng ex ko, pero don't get me wrong, walang nangyari saamin, di pa sumusuko ang bataan, hahahahaha ayko ibigay 'to sa di ko naman papakasalan at alam niya yun at nirerespeto niya daw. Pinag aaral nila ako ngayon at di ko alam hanggang kailan nila ako pag aaralin kaya hangga't maari nag iipon na ako para kung sakali mapag handaan ko. Tinanong ko si Ver kung bakit sila nag hiwalay sagot niya saakin "Sawa na daw siya eh" alam kong di pa siya nakaka move on, alam kong magulo parin sa isip niya kung bakit sila nag hiwalay, Mukhang grabe mag mahal si Ver alam kong di ko pa siya kilala pero ayon sa nakita ko kanina, Grabe siya mag mahal, Mahal na mahal niya ex niya, pero sabi nga nila yung tao nga nag iiba feelings pa kaya? Kaya wag tayong aasa na meron tayong masasandalan kinabukasan kaya hangga't maari iparamdam mo sa mahal mo na mahalaga siya na mahal mo soya kase tumatakbo ang oras, hindi mo alam mangyayari bukas di mo alam na baka bukas yun na ang huli, huli mong masisilayan ang mga ngiti na gustong gusto mong makita, na siyang pumapawi sa lahat ng kahirapan at bagabag mo sa buhay na ito, kaya habang may oras ka sabihin mo, kase pag wala na ito at di mo nasabi mga kailangan mong sabihin, masakit na pagsisi ang matatamo mo, habang nandyan sabihin mo, kung mawalan man siya nung sinabi mo atleast nagawa mo part mo as nag mamahal, ganun naman sa mundo walang permanente so bakit ka matatakot mawala lahat ng bagay sayo kung hindi naman pala mag tatagal, Oo may importante pero mawawala't mawawala parin yan. Balik tayo sa present nakakaloka si ateng nasa canteen jusko, humingin ng pitong kalamansi nung bumili ng siomai, jusko sana kalamnsi na lang binili niya, mas natawa ako sa susunod niya ginawa, may lalagyanan siya ng tubig tas hinalo niya yung piniga niyang kalamansi doon, jusko hahahahaha laughtrip kami ni Ver nung nakita yun tas nung nag papaxerox kami ng notes tinanong kami nung nag babantay "papaxerox?" Sabi ko "ate try mo illaminate" tas biglang natawang nagulat si Ver at biglang nag salita "Opo ate xerox yan pag pasensya mo na'to ate may period kase araw araw kaya ganyan" ayun naka tikim na sapok sa ulo si kumag eh hahahaha tas tawa siya ng tawa, nung pabalik na kami sa room bigla siya nag salita "Bakit mo ginanon si ate haha tignan mo parang nabadtrip tabingi tuloy pag ka stapler sa notes natin." "Common sense kase, alangan ipa print yung nakaprint na nakakapikon yung mga ganung tanungan." "Hahaha kahit na okay lang yun hayaan mo na, loko to mamaya mo may kailangan ka kay ate tas di ka niya gawan ng favor dahil dun." "Wala akong pake nakakairita siya." Hahahaha naiirita ako kase ang init init na nga sasabayan pa ng ganun buti na lang bumawas bawas yung mga ganung tanungan ni Ver, siguro dahil lagi ko siyang nababara. Tas ayun boooooooring jusko may tutunan naman ako kaso boring lang talaga pag dating ng chem, eto na favorite part ko, yung uwian ahahahaha kaso daming assignment na gagawin, buti partner ko si Ver sa english report, mukha naman masipag at magaling sa english si kumag, palabas na kami ng gate ng bigla niyang hinawakan ulo ko na parang nakaakbay. "HOY TANGGALIN MO YAN NAGUGULO BUHOK KO!" pero di niya tinanggal tas naka poker face siya nakatingin sakin "As if naman may gugulo pa sa buhok mo ungas." Napaisip ako, oo nga pala di ako nagsusuklay ahahahah "Tanggalin mo parin!" "Okay lang yan, arte arte panget na nga!" Ayun siniko ko siya    °_° hahaha ganyan mukha niya eh medyo napalakas ata yung siko ko hahahaha pero di niya talaga tinanggal ._. "Vhon." "Oh?" "Tara tuhugan tayo." "Ano?!" Jusko patawarin mo ako pero iba naisip ko nung sinabi niya yun "Ay howta! Ibig sabihin ko tuhog tuhog, Ano banaman yan." "Wag mo kong dikitan manyakis ka." "Maka manyak kala mo naman may maimamanyak sayo eh mukha kang pader." Tas bigla siyang nauna sa pag lakad ako ayun napahinto tinignan ko katawan ko kung mukhang pader ba ako, ng matauhan ako tumakbo ako papunta sakanya at hinambalos ko soya ng bag ko "napaka manyak mo talagang kumag ka!" "HAHAHAHAHAHA" tawa lang siya ng tawa like parang may nakakatawa. Ayun kumain na lang kami at dahil dun nilibre niya ako.

Author's note:

HAYS! WOO! Natapos ko na, natapos ko din. Salamat sa nag babasa. Sana dumami mag basa nento.

Salamat sa lahat ng tumulong saakin. Baka kada araw may update na ako. Nasisiyahan naman na ako ituloy ito. Ayun lang salamaaaaat.

The Day I Said I Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon