Chapter 6: Playing Games

124 2 0
                                    

Marvin's POV

Hindi niya talaga sukat akalain na may isa palang bagitong 2nd year student sa campus nila and hindi siya kilala.

Noong una niya ito na encounter sa City Hall naisip niya okay lang kung napagkamalan siya nitong empleyado eh ang totoo public servant naman talaga ang Dad niya so technically ganun din siya.

Napahanga pa nga siya sa taglay nitong pagiging direct to the point at paninindigan sa kung ano ang tama. Bihira na mga ganyang klase ng tao ngayon.

Mas lalo pa siya napabilib ng banggitin nito sa ama niya na siyang nag utos sa kanya para kausapin ang Dad ko. Kilala niya kasi si Mang Dolfo ang tatay ni Mark. Si Mang Dilfo kasi at madalas sa bahay nila dahil sa kababata nito ang Dad niya at pinag kakatuwalaan nito si Mang Dolfo sa lahat ng bahay.

Noong umuwi siya ng bahay ng araw na yon kinantiyawan pa siya ng Dad niya na pikon daw siya kasi bigla daw siya umalis agad. Nabanaag niya sa mukha ng Dad niya na naaliw ito sa nangyaring yon . Habang ikunu kwento sa Mom niya.

Sa totoo lang kahit papaano eh napikon siya ng kunti sa eksenang yon. Sa liit kasi ng bayan nila halos kilala siya ng lahat. Kaya naman nakapag tataka may isang nilalang walang idea kung sino siya.

Pero nalaman ko din ang dahilan noong gabing yon base na rin sa kuwento ng Dad niya.

Ito palang Mark na to ay halos walang social life at libro lang ang hawak lagi. Nacurious siya may ganun pala talagang tao walang paki alam sa paligid niya dahil sa nakatuoon ang pansin nito sa mundo na kung saan nag eenjoy sila.

Pero somehow naaliw siya dito kasi ito lang ang nag iisang tao na napagsabihan siya. Well maliban sa mga parents niya na madalas talaga pangaralan siya na kesyo magpakabait, wag mang aapak ng kapwa at always to keep your feet on the ground ika nga.

Natural na sa kanya napagsasabihan siya mayabang ewan pero personality na niya talaga siguro yon. Lalo na pag tahimik siya at may ginagawa siya sabi ng karamihang nakakakilala sa kanya may tiger look nga daw siyang tingin samahan pa ng boses niyang may pagka sarkastiko.

Ang eksenang yon sa City Hall ang mistulang nagparamdam sa kanya na kahit papano masarap palang maging ordinaryong tao.

Yong tipong hindi robot ang nakakasalamuha mo sa araw araw na ginawa ng diyos. Ganun pala ang pakiramdam ng may sumasalungat sa gusto mo at pagsasabihan ka.

Simula kasi noong pinanganak siya lahat ng gusto niya nasusunod at nakukuha niya. Ni minsan hindi niya naranasang may sumalungat sa kanya at may nag utos kanya.

Noong binara siya ni Mark sa unang pagkakataon nagulat talaga siya. There is a conviction on every words that he mentioned.

And to think walang kagatol gatol na sinabihan siya nito in English at mistulang napasunod siya nito at tinawagan nga niya Dad niya sa telepono noong araw na nag Krus ang landas nila.

Nakita niya sa mukha nito ang pagka bigla noong malaman nito na anak siya ng Mayor.

Taliwas sa ini expect niya pormal pa din ito noong mang hingi ng dispensa na di na rin natuloy kasi binara niya na ito.

Sa katunayan kaya di siya tumingin na dito kasi napabilib siya ng bubuwit na ito kung tutuusin sobrang bata pa nito para magkaroon ng kumpiyansa sa sarili.

Ewan niya pero sobrang napabilib siya dito lalo pa noong napag usapan nila ito sa habang kumakain sila ng hapunan.

Ang sarap siguro may ganun ako kapatid nakaka aliw lang kung iisipin may sarili kumpiyansa at paninindigan.

Kung ibang tao yon sobra sobrang panghihingi ng sorry ang ginawa nun baka nga lumuhod pa yon sa harap niya. Pero itong Mark na to nakuha pang mag explain sana sa kanya kaso nga binara na niya.

After ng tagpong yon Hindi niya akalain makakadaupang palad niya ito sa mismong school na pinapasukan niya.

Umaga noon dumaan muna siya sa student council office at may kukunin sana gamit na na iwan niya. Pagpasok pa lang niya ay may pamilyar na mukha siya nakita sino ba naman ang hindi makakalimot sa bubuwit na ito sa isip isip niya.

Nakita niya sa mukha nito ang pagkabigla din noong makita siya. May kung anong excitement siyang naramdaman.

Susubukan niya ano kaya nito gawin sa ngalan ng paninindigan. May nabuo siyang plano aasarin ko ito.

Matapos siyang ipakilala ni Carl sarkastiko niya itong tinanong susubukan niya kung talaga bang di siya kilala nito.

"I would assume you never voted for me last year because from the looks of it, you never knew me didn't you?" Ito ang una niyang tanong na di man lang nagkatinag sa bubuwit na yon.

Hindi ito sumagot tiningnan ko lang siya nito ni hindi ko man lang nakitang natakot ito sa sinabi ko. Tsk mukhang matapang talaga ang isang ito sa isip isp niya lang.

"So what brings you here" sarcastic pa din ang pagkakasabi niya. Ito sunod ko naitanong kasi mukhang walang isasagot ito sa kanya base sa ekspresyon ng mukha nito.

Hindi niya inaasahan ang sumunod na sinabi nito na ikinabahala niya ina assume kasi nito na di ko siya gusto makasama sa team.

At yon na noong mag walk out ito saka siya nagpaliwanag sa tatlong kasamahan niya na mistulang hindi makapaniwala sa nangyari.

Pinaliwanag naman niya na siya na bahala kumausap dito mamya after lunch sa katunayan di na siya pumasok sa kasunod na klase niya dahil sinigurado niyang makakausap niya ito.

At di nga siya nagkamali pagkalabas nito sa huling klase niya dumerecho ito sa cafeteria at dito niya na ito kinausap.

Napangiti siya noong nabigla ito noong tinanong niya kung puede siya maki share sa table nito. Base sa hitsura nito mukhang nag aatubi pa nga itong pag bigyan siya na umupo sa harap niya.

Mas lalo siya naaliw dito noong nag tanong ito kung walang lason ang binili kong chocolate cake para sa kanya.

What a childish things to asked. Pero batid naman niya nag bibiro lang ito para pagaanin ang sitwasyon ng mga sandaling yon.

May kong anong enerhiya itong nagpapagaan ng aura sa kanya. Noong malapitan niya itong natitigan maamo pala talaga ang mukha nito.

Malamlam ang mga mata nito na para bang sinasabi syo wala akong intensyong masama. At may mga tingin nitong nagpapabilis sa tibok ng puso niya.

Hindi niya mawari ano ginawa nito sa akin mistulang itong bagay na ang tagal niya nang inasam ngayon at ngayon niya lang nakuha.

O kung pagkain man ito pagkaing ngayon niya lang natikman at gusto na niyang araw araw kainin. Ganun ang dating nito sa kanya

Ganun ang dating sa akin ng bubuwit na ito ang sarap iuwi sa bahay at pag masdan lang ang gagawin nito mag hapon.

Nagtaka din siya sa sarili niya bakit siya nagkakaganito kay Mark marahil dala sa pangungulila ko sa isang kapatid.

Takot ako makipag argumento dito simula noong nagkamabutihan na kami. Madalas pag sinsalungat ako nito napapatingin ako sa kanya at wala na ko masabi ngumingiti na lang ako.

Kapag sinuklian ako nito ng ngiti mistulang naman akong nabubunutan ng tinik.

Iba ang dating niya sa akin kaya naman gumagawa ako ng paraan magkasama kami araw araw

My Life,  My Rules ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon