Chapter 16: Loving Dangerously

22 0 0
                                    

Nalungkot man siya sa kinahinatnan  ng relasyon nila ni Marvin ipinagkabit balikat na lang niya iyon. Nasanay na siya sa pabago bago nitong mood.  Ika nga nila sala sa init sala sa lamig ang nangyari sa pagkakaibigan  nilang yon. Hanggang sa nakasanayan na lang niya ang ganong set up. Ilang araw na rin ang lumipas tuluyan na nitong hindi siya kinausap hanggang sa ang isang linggo naging isang buwan . Ang isang buwan naging isang semester. Malamig pa sa yelo ang naging relasyon nila sa isa’t isa hanggang sa natapos na ang isang semester.

Dumating ang  huling araw ng pasukan sa school maaga siyang gumising para maasikaso ang kanyang clearance. Wala pang isang oras heto’t nasa school na siya katulad ng inaasahan niya kanya kaniyang grupo ang mga estudyante. May mga nagku kuwentuhan nag uumpukan  at harutan  ang nadaanan niyang mga freshman. Walang ano ano pa’y may sumulpot sa harapan niya.

“San ang punta natin?” si Bong yon sabay akbay sa kanya. Poging pogi ito sa suot nitong ripped jeans at black tshirt palibhasa puwede na silang mag civilian simula sa araw na ito.

“Puntahan ko lang adviser namin para matapos na ko sa clearance ko” naiilang man sa pag akbay ni Bong kahit papano nakasanayan na niya ito.

“Mga ano oras ka matatapos?  Isasama sana kita sa birthday ni Maru nag iimbita sa  Cola Cove Beach.”

“Hindi ako puwede hahanapin ako sa bahay!”

“ Sasaglit lang tayo! kaya nga kita isasama para may dahilan ako makauwi agad nahihiya kasi ako personal akong inimbita nung tao.”
Mistulang nagsusumamo ang boses nito yong tipong bata na gustong pumunta sa birthday party.

“Gaano katagal ang saglit nayan mamya abutin ng  hating gabi mapagalitan ako!”

“ Maximum na ang two hours  hapunan daw kasi yon at siyempre may inuman pagkatapos ng kainan tatakas tayo pag naka dalawa o tatlong shot na ako tulad ng dati”

Naisip niya dati na nilang ginawa yon sa birthday din ng isa sa mga barkada nito kung saan sinama din siya.
Naiisip niya tutal wala din naman  siyang gagawin sa bahay nag desisyon na siyang sumama.

Mga 4:00 ng hapon tinawagan niya ang Nanay niya para magpaalam dito wala namang kahirap hirap ang pag papalam niya basta daw huwag siya ng magpapagabi masyado.

Alas 5:00 ng hapon dumaan muna sila sa pinaka malapit na mall para bumili ng regalo para kay Maru  medyo natagalan pa nga sila dahil sa pagtatalo nila kung ano magandang iregalo sa kaibigan nito sa huli napag desisyunan nilang isang collectible toy figure ang iregalo dito dahil ito daw talaga ang hilig ni Maru.

Matapos mapabalot ang nabiling regalo saka sila pumulas papuntang resort kung saan gaganapin ang birthday ng kaibigan nito lubog na ang araw noong marating nila ang lugar.

Inaasahan na niyang maganda ang lugar kung saan gaganapin ang okasyon dahil kilalang mayaman ang pamilya nila Maru. Bagamat hindi sila close bilang magkaibigan dalawang beses na sila nagkasama dahil sa mga okasyon din na sinasama siya ni  Bong. Sa katunayan sa tuwing nagkakasalubong sila sa school ngumingiti at tumatango ito sa kanya.
Pagdating nila halos nagsisimula na ang party puno na ang sampung mesa na pang animan pero may ma ngilan ngilan namang hindi pa  ukupado. Bahagya muna silang tumigil sa may entrance para hanapin ang celebrant mga ilang segundo ang lumipas nakita na rin nila si  Maru at kusa din naman itong lumapit sa kanila nong  makita sila.

“Happy Birthday Bro!” Bati ni Bong sabay kamay nito at at may kung anong  ka rituwal pa silang ginawa sa pagkakamay  ito ata ang sign ng Brotherhood nila.

Naka ngiti namang  nagpasalamat si Maru sabay tingin nito sa kanya.
“Sinama ko pala si Mark nakasalubong ko kanina hassle kasi kung mag isa lang ako pupunta kaya niyaya ko na rin okay lang naman diba?” pangungumbinsi nito.

My Life,  My Rules ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon