Chapter 23: Reality Hurts

14 0 0
                                    

Pinilit niyang gawing busy ang sarili matapos ang tagpong yon, kulang na lang hilahin niya ang oras para makauwi na siya. Bukod sa masama na pakiramdam niya kanina pa dahil sa allergy niya mas nakadagdag ang tagpong nasaksihan niya sa opisina
.

"Masyado ka busy ah?" Natigilan siya sa boses na yon ni Ms Macey.

"Tinatapos ko lang mga pinapagawa ni boss" pagdadahilan niya.

"Ibang klase din si Boss no? Brazilian model ang syota"

"Kilala niyo po?"

"Alam mo naman dito sa kumpanya na to wala kang maitatagong sekreto, si Terry Anderson ang kasama ni Boss kanina brazilan model. Check mo fb niya kalat ang mga pictures nila ni Boss"

"Ah okay sige check ko mamaya"

"Mark yong leave ko nasabi mo na kay Boss?"

"Yeah approved na yon wala naman daw tayo meeting during that time"

"Great, thank you ha. Bat parang namumula mata mo?

"Umatake nanaman allergy chronitis ko nalimutan ko pa man din gamot ko."

"Sana nagpabili ka kanina sa janitor natin nang nakainom ka na sana bago lumala yan, kaya pala watery eyes na rin mata mo para ka tuloy umiyak niyan, okay mauna na ako sayo ha I'll see you on Monday"

"Okay ingat po"

"Thank you! Ingat ka din mamya pag uwi, yong gamot mo wag mo kalimutan. Tska tama na yan uwi ka na"

Natatawa na lang siya saka kumaway dito.

Mga 5.30 na siya bumaba ng building saka sumakay ng taxi nagpahatid sa condo noong maalala niya yong gamot niya pinaikot niya uli yong taxi sa isa pang block kung saan nandun yong commecial building na may pharmacy at mga fast food chain.

Matapos makabili ng gamot naisipan niya kumain na lang sa mcdo para pagdating niya sa unit niya inom na lang siya ng gamot tapos maliligo then matutulog na.

Isa sa mga nagtritriger talaga ng allergy niya pag na stress siya at naka langhap ng alikabok.

Napaisip siya saan siya na stress? Bigla niya naalala sinabi ni Ms Macey tungkol kay Terry Anderson. Shit na insecure ba siya dito o nagseselos?

Inaamin niya kanina parang nadudurog puso niya noong makita niya naka lingkis sa braso ni Marvin ang Terry Anderson na yon.

Nangangalahati na siya sa spaghetti na inorder at hamburger nong naalala niya isabay na pag inom ang nabiling gamot. Sa lahat kasi ng ayaw niya eh ang lasa at amoy ng gamot kaya kailangan may kakainin siyang masarap para mabilis mawala ang after taste ng iniinom niyang gamot sa allergy.

Matapos uminom ng gamot naisipan niya tingnan ang messenger kasi kanina habang na order siya naramdaman niyang may new message siyang natanggap. Hindi siya nagkamali si Sugar nag message at sinabihan siya nito na check niya daw GC nila. Out of curiousity dali dali siyang nag back read sa GC nila ang palitan ng conversation ni Marj at Sugar topic nito si Marvin at Terry. May mga picture pa itong na share

Sa beach kuha ang picure Selfie ito Terry kasama si Marvin nanaka trunks lang at naka swimsut naman si Terry hindi kita ang harapan ni Marvin dahil bahagya nitong natatakpan ng manipis na katawan ni Terry. Akap akap nito ang syota niya at mistulang hahalikan sa leeg.

Natigilan siya hindi niya maigalaw mga kamay niya. Napatingin siya sa kawalan sa labas ng fastfood chain kung saan tanaw na tanaw niya ang kalsadang puno ng sasakyan. Walang kamatayang traffic na magpapatigil sa mga sasakyang nag uunahang maka lagpas sa traffic light. Tulad niya parang tumigil ang mundo niya sa sunod sunod na rebelasyon at mga eksenang nasasaksihan sa taong dating siya ang tinuturing na espesyal.

My Life,  My Rules ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon