Chapter 22 : Complicated Heart

18 0 0
                                    

Marvins POV

Kanina pa siya naka alis sa unit ni Mark pero hanggang ngayon ang binata pa rin ang nasa isip niya.

Gusto niya sanang matulog uli sa unit nito para makasama muli ito ng mag damag ngunit naunahan na siya ng hiya. Hindi niya kasi makita sa mata nito yong dating Mark na kilala niya. Dati nong college days nila kitang kita niya sa mata nito ang sigla kapag ka harap siya.

Mababanaag niya din sa mata ni Mark ang paghanga nito sa kanya noon. Pero mgayon halos umiwas lagi ito na titigan siya. Hindi niya mabasa ang mga kilos nito ngayon kung pano siya pakitunguhan. Mistulang formal lang yong tipong  casual na boss and employee relationship lang ipinapadama nito sa kanya.

Naalala niya kahit noong unang araw na dinalhan niya ito ng flower at chocolate obvious naman na para sa kanya yon medyo na awkward lang siyang ibigay ito sa kanya ng perzonal kaya naman isinan tabi noya muna ito. Pero mas nagulat siya nong pauwi na siya ipina alala pa nito sa kanya ang dalang chocolate at flowers kaya naman wala siyang maisip na dahilan kung kaya wala sa loob na nasabi niyang nabili niya ito sa baba dahil naawa siya sa nag bebenta dito.

Pakiramdamam niya mga oras na yon mistulang di pinapahalagaan ni Mark ang mga maliliit na bagay na pinapakita niya dito. Hindi ba obvious sa kanya na may pag tingin pa rin siya dito. Oo ngat nasabi niya noon na maka move on na siya pero di ba nito na raramdaman na nag dadahilan lang siya dahil ayaw niya mag mukhang tanga.

Sa ganung pag mumuni muni may naisip siyang plano para malaman niya kung talaga bang may pag tingin pa sa kanya si Mark.

Kailanhang maisakatuparan ang plano na yon sa lalong madaling panahon.

==============

MARK'S POV

Nakaka dalawang buwan na siya bilang Executive Assistant ni Marvin. Nakasanayan na rin niya ang bagong role niya sa buhay ni Marvin bilang EA. Sa totoo lang sobrang gaan ng mga pinapagawa nito sa kanya minsan siya na lang nag kukusa na pagsilbihan ito at tanungin kung ano ipapagawa sa kanya dahil hindi naman siya sanay na tumunganga maghapon.

Bagamat halos kasama.siya nito lafi sa mga meeting o conference nito mat mga pagkakataon din na mag isa lang ito umaalis na walang pasabi.

Katulad na lang ng araw na ito wala man lang bilin kung papasok o hindi inanatay niya tawag or text nito mag aalas diyes na ng umaga pero hindi pa niya alam kung papasok ito o hindi.

Simula nong huling dalaw nito sa unit niya na may dalang bulaklak hindi na iyon nasundan kahit pa nga na nagsab8 na ito noon na madalas na papasyal sa unit niya. May mga pagkakataon pa nga na nahihiwagaan siya dito dahil sa madalas na ang pag alis nito ng mag isa at di na siya sinasama. Kung ano man mga personal na lakad nito ipinag kabit balikat na lang niya.

Bigla siya napatingin sa orasan kasi nga naman dalawang manager na nag tanong sa kanya dahil may pipirmahan daw ito na urgent para ma release ang pondo sa isa nilang project.

Kaya naman nag kusa na siyang tawagan dito.

"Sir the finance team is asking if you will be reporting today, may importante daw kayong papers na pipirmahan."

"I will be there after lunch!"

"Ah okay I'll let them know, thank you!" 

"Okay  bye!"

May itatanong pa sana siya kaya lang naunahan siyang magsabi ng bye kaya nahiya na siyang magsalita sa kabilang linya. Hindi naman niya sinasadya na marinig na may nagsalitang babae na kasama siguro nito.

"Babe shall I wear these or the other one?"

Natigilan siya sa narinig.  Sino ang babaeng yon at bakit babe ang tawag kay Marvin?

My Life,  My Rules ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon