Chapter 11: Love is love

69 3 0
                                    

Pasado alas kuwarto pumaruon na siya sa lugar na usapan nila ni Bong.

Pagdating niya naka abang na si Bong naka suot ng helmet niya mukhang nakita na nito na padating na siya kaya sinuot na helmet at pinaandar  na ang motor.

"Oh humahangos ka. Tumakbo ka ba?" Tanong nito.

"Oo eh mahirap na baka mahuli" pag amin niya.

"Baka naman excited ka lang yumakap sa akin halika na akap na." Pabirong sabi nito.

Sinuntok niya ito ng marahan sa braso.

"Aray!  biro lang ito naman." natatawang sabi nito.

Ewan pero nasanay na siya na lagi siya nitong binibiro ng ganun at hanggang ngayon namumula pa din siya pag tinutukso nito. Ang gusto niya dito sa taong ito pag may ibang tao hindi siya nito bininiro ng ganun. Maharot lang ito at mabiro pag silang dalawang lang ang mag kasama.

Umangkas na siya dito in fairness mukhang ng spray ng pabango ito ah ang bango.

" okay na? yakap na este kapit pala!" Bulalas nanaman nito

Napangiti na lang siya at kumapit sa balikat nito. Gusto sana niyang batukan ito kaso umandar na ang motor bike nito  mahirap na baka madisgrasya. Kung di lang talaga nakakahiya yayakap siya dito.

Pagdating nila sa SM tamang tama lang kakaumpisa lang ng palabas. Naghanap agad sila ng magandang puwesto kung saan kita nila si Bamboo.

Bahagya pang naka akbay ito sa kanya habang nanood sila. Isang oras ding tumagal ang palabas na iyon.

Matapos nilang manood ng concert niyaya niya si Bong  bilang pasasalamat din na kahit papano nag enjoy siya sa araw na ito.

Malapit na silang matapos nong may ma received siyang text. Mistula siyang binuhusan ng malamig na tubig.

Marvin: Can we talk in private tomorrow after school I'll wait for you at the office.

Na curious naman si Bong sa reaksiyon niya kinuha nito cellphone niya.

"Aba nag paramdam na boyfriend mo" sabi nito na mistulang pabulong.

Hindi siya umimik mas nanaig ang excitement niya at  pag aalala na rin kung bakit biglang makikipag usap na ito sa kanya after all this time.

Andun padin ang tampo, wala ng galit kasi isiniksik niya sa isip niya na kasalanan niya bakit nagkakaganun si Kuya Marvin niya.

Gusto niya malaman side nito ano ang dahilan at hindi siya nito kinibo for that period  of time.

Malaking katanungan na kailangan nitong I- explain  sa harapan niya.

Dahil sa paglipad ng utak niya hindi niya napansin na tapos na si Bong sa kinakain nito at nakatunganga na ito ngayon sa kanya.

"Excited ka na noh?" pangaasar ni Bong.

Hindi siya umimik.

"Alam mo wag mo nang siputin yan, uutuin ka lang niyan" sabi nito sa kanya.

"Hindi naman siguro gusto ko lang malaman reasons niya bakit siya nag ka ganun ng ilang linggo"  paliwanag niya.

"Bahala nga kayong dalawa bilisan mo na diyan uwi na tayo baka hinahanap na ako sa amin" utos nito at tumalima naman agad siya.

Noong nakauwi na siya may kung anong sigla ang bumalot sa kanya na siya namang napansin ng nanay niya.

My Life,  My Rules ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon