Ikaw ang Simula na ayokong wakasan,
Ikaw ang una ayoko ng masundan,
Ikaw ang mukhang nais ko lang titigan,
Ikaw ang adiksyon na ayokong tigilan,
Ikaw ang kaligayan na ayokong pigilan,
Ikaw ang tahanan na paulit-ulit Kong babalikan.
Mahal,
Nais ko sanang ipagsigawan,
Sa payapang kalawakan,
Kung gaano kita gustong angkinin,
at nais ko sanang sambitin
Ang kulot mong buhok ang paborito Kong hawiin
Ang maamo mong mukha ay napakasarap haplos-haplusin,
Ang iyong mga labi ay nais kong idampi sa akin,
Ang malambot mong kamay ay gustong-gusto kong hatakin,
Pabalik sa akin,
Gustong-gusto,
Gusto ko sanang ikulong ka sa aking mga bisig,
Gusto ko sanang ako ang sayo ay manaig,
Gusto ko sanang ikaw ang mukha na una Kong makita,
Gusto ko sanang pares ng paa mo ang kasama ko sa kama,
Gusto ko sanang sabay tayong tumanda,
Sabay natin lalaruin ang ating mga apo,
Sabay na isasaboy sa dagat ang ating mga abo,
Sabay sana tayo
Sabay sana nating tutuparin ang pangarap nating binuo,
Sabay sana tayong mamumuhay sa sarili nating Mundo,
Akala ko sabay tayong maglalakad sa altar,
Akala ko sa huli isa lamang ito sa iyong mga paandar,
Akala ko,
Oo akala ko, ikaw at ako hanggang sa huli,
Akala ko kamay ko pipiliin mong hawakan,
Akala ko hindi mo kailanman bibitawan,
Ang mga retasong nagdurugtong sa ating dalawa,
akala ko hindi mo bibitawan ang pag-asang Baka pwede pa,
Baka pwede pa nating kumpumihin,
Ngunit masakit, napakasakit tanggapin na hindi ito butas sa damit na pagkatapos tahiin ay maari ng muling suotin,
Dahil iniwan mo akong luhaan,
Linisan mo ako ng walang paalam,
Nalaho ka ng parang bula,
At hindi nagparamdam, ngunit araw-araw mo namang minumulto ang aking kalooban,
Para akong sinasaksak ng libo-libong karayom,
Habang tumatagal lalong bumabaon,
Sana pinatay mo nalang ako,
Hindi nga ba?
Pinatay mo ako ng paulit-ulit,
Dinurog mo ako sa bawat nagdaraang saglit,
Winasak mo ang binuo Kong pagkatao,
Para akong isang tanga na naghihintay sayo,
Kahit pa ang totoo ay ubos na ubos na ako,
Sana pinatay mo nalang talaga ako,
Pagkat batid kong tila ako'y isang bilanggo,
Sa loob ng isang madilim na kwarto,
Na nababalot ng mga ala-ala ang nangangalawang na rehas
Para na akong lilisanin ng katinuan, iniisip kung paano ako makakatakas,
Isa, dalawang buwan,
Ni anino mo ay diko kayang masulyapan,
Ang tinig mo ay hindi ko kayang mapakinggan,
Napaka lapit mo lang upang tanawin,
Napaka layo mo naman upang aking ma-angkin,
Sa loob ng dalawang buwan unti-unting nagunaw ang aking mundo,
Unti-unting nawalan ng liwanag ang aking pagkatao,
Napalitan ng sakit ang dating mga ngiti,
Unti-unti ng nanghina ang puso kong sawi,
Sa kabila, ng pagbagsak sa akin ng langit,
Sa kabila ng mabigat kong dibdib,
Pinili Kong maging masaya,
Pinili Kong maging masaya para sayo,
Na siya ang kasama mo,
Pinili Kong dumalo sa kasal mo,
Pinili Kong magsuot ng ngiti, kahit sa totoo lang hindi ko na kaya,
Masakit,sobrang masakit
Nginitian parin kita, niyakap ng sobrang higpit,
Ayoko na sanang bumitaw, dahil nakaramdam ako ng panandaliang langit,
Pinilit Kong pigilan ang malapit ng bumagsak na ulan sa aking kinatatayuan,
Dahil pinili Kong mula sa malayo ika'y pagmasadan,
Pagmasdan na naglalakad sa simbahan,
Pagmasdan na unti-unting naglalakad patungo sa harapan,
Patungo sa nalalapit na tuluyang pagguho ng aking mundo,
Patungo sa luha na nagbabadya ng tumulo,
Isa,dalawa
Unti-unti ng bumukas ang pintuan,
Lalo akong nanlumo ng siyay akin ng masilayan,
Papalapit ng papalapit ang kanyang mga hakbang,
Habang pasakit ng pasakit ang aking nararamdaman,
Sa pagkakataong ito tuluyan ng nagyelo ang kalangitan,
Nangako tayo noon,
Sabay tayong hahakbang saan man maparoon,
Ngunit nagmadali ka,
Nagmadali ka at hindi mo na ako hinintay,
Tayo sana ang naglalakad sa simbahan ng magkasabay,
Ako sana ang ihaharap mo sa mga santong nakahimlay,
Ako sana ang kahawak mo ng kamay,
Ngunit nauna kana,
At hindi mo ako piniling iharap sa diyos, upang makasama habang buhay,
Masakit man, sa araw ng kasal mo,
araw na ipinangako mo na ang sarili mo sa ibang tao,
Tatalikod na ako sa kabilang dulo,
Kung saan Hindi mo na mayayapakan pa,
Huwag ka sanang lilingon
Huwag ka sanang magtanong,
Patawarin mo ako sa Hindi ko kaagad pagbitaw,
At patatawarin kita sa masakit na hatol na iyong ipinataw,
Ikaw ang Simula na akin ng wawakasan,
Ikaw ang una na susubukan Kong masundan,
Mahal,
PAALAM.

BINABASA MO ANG
Tula ng Pag-ibig
PoetryGinawa kong tulay ang tula, patungo sa Puso mo. Mga titik na nais ko sanang ipabatid, mula sa nakakabinging tinig ng Pag-ibig (Ana at Jose)