Musika

88 3 0
                                    

I am music and music is in the connection of human souls, speaking language that needs no words. Everyone joins a band in this life, what you play always affects someone. And sometimes it affects the world. - The Magic Strings Of Frankie Presto ❤

Sa bawat liriko ng kantang humahaplos sa aking mga tenga,

Sa bawat himig ng pagkalinga na bumabalot sa akin, sa bawat paghinga,

Sa bawat hampas ng mga alon ng problema,

Sa bawat pag-ibig na sumisibol at namumunga,

nariyan ang Musika...

MUSIKA...

Na mula sa kawalan ay minsang yumakap sa akin,

kawalan ng pag-asa

kawalan ng gana

kawalan ng pagkakataon upang lumigaya

Na minsang humawak sa aking mga palad upang hindi tuluyang mahulog sa bangin,

bangin ng kalungkutan

bangin na walang hangganan

bangin ng kabiguan

Na minsang duminig sa aking mga dalangin,

Na minsang tumangay sa masamang ihip ng hangin,

Ngayon...

Musika ang bumubuo sa pira-pirasong bahagi ng aking puso,

Musika ang tumupad ng mga pangako nilang napako,

Musika ang nagturo sa aking ng daan,

Daan patungo sa tahanan, na matagal ko ng linisan,

Dahil Ikaw ang aking musika

Ikaw ang himig na nabubuo sa bawat pag-tibok ng puso,

Ikaw ang pangako na hindi ko isusuko,

Ikaw ang permanente sa mundong pabago-bago,

at dito sa paalon-alon na dinaraanan ko,

Ikaw lang ang sigurado,

na makakaya kong ihatid sa dulo,

Kung saan nag-hihintay ang ating paraiso,

Tandaan mo,

Sa bawat pagsampa ko sa Entablado,

Pangalan mo ang nakaukit sa bawat tablang maaapakan ko,

Pagkat Ikaw lang ang musika na nais ko lang ibahagi sa bawat buhay na narito,

Pagkat Ikaw ang aking Musika,

Nagbibigay ng dahilan sa aking paghinga,

Nagbibigay ng kahulugan sa bawat dahong nahuhulog sa sanga,

Nagbibigay ng ganda sa madilim na pahina,

Nagbibigay ng tono, sa bawat liriko ng kanta,

Pagkat Ikaw ang aking musika,

Ang nagtutugma sa bawat letra ng aking mga tula,

Ang nagbigay  ng pagkakataon sa isang makata,

Upang maging Malaya,

Malaya sa mapanghusgang mga mata,

Malaya sa nakakintal na mga dila,

Malaya sa idinidikta ng lipunan,

Malaya sa mapanakit na mga salita,

Malaya sa dapat "ganito ka" dapat "ganyan ka"

Malayang ipahayag ang nais mo at hindi nais lang nilang makita

Pagkat Ikaw ang aking musika,

Na naghatid sa akin ng langit,

Na nagpahupa sa Bumabaha ng sakit,

Na naghele sa puso kong punit-punit

Ikaw ang aking musika na nagpinta sa akin ng pag-sang, puwede tayong gumuhit ng bahaghari, na puwede nating marating ang bawat dulo ng magkabigkis ang ating mga kamay, na walang bibitaw at tayo ay habang buhay na magsasabay, sa himig na pinili nating iparinig, sa awitin na pinili nating, ipabatid.

Ngunit,

Akala ko ang musika mo at liriko ang bagay na magkapareho,

Akala ko sabay tayong kakanta sa kasabay ng pagtugtog ng mga musikero,

Akala ko tumanda ka man at mabalot ng puti ang buhok mo,

Sa panaginip,

Ako ang Aakay sayo, hanggang sa huling paghiram mo ng hangin sa mundo.

Pagkat Ikaw ang aking Musika,

Hindi man ako ang liriko

Na pinili mong Makapareho

Ikaw ang aking Musika

Ikaw lang

at wala ng iba.

Tula ng Pag-ibig Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon