Hiram

41 1 0
                                    


Paano nga ba ako magsisimula ng hindi nasasaktan?

Paano nga ba ako magsasalita ng Hindi nasusugatan?

Paano nga ba ako hahakbang ng Hindi ka sinusundan?

Paano nga ba ako magmamahal muli kung ang puso ko ikaw lang ang nilalaman?

Ana,

Sa bawat araw na nagtatama ang ating mga mata,

Sa bawat pagkakataon na nararamdaman ko ang iyong hininga,

Sa bawat ngiti na isinasaboy mo sa harapan ko,

Sa bawat titig mo na tumatagos sa puso ko,

Gusto ko sanang sabihin,

"Maari ka bang maging akin?"

"Maari bang, Ako nalang, at kung anong mayroon tayo ay huwag mo ng putulin?"

" Kahit Segundo lang, maari ba kitang angkinin?"

Akin ka nalang sana,

Tayo na lang sana ang magkasama,

Akin nalang sana ang iyong mga tawa,

Tayo na lang sana ang mag-uukit ng pag-ibig sa gitna ng mga tala,

Ngunit....

Ang bawat sandali na ating pinagsasaluhan ay Alam kong Hiram lamang,

Ang bawat nakaw na sandali na kitay nasusulyapan ay alam kong pandalian lamang,

Ang bawat pagkakaton na nahahaplos ko ang iyong mukha ay tuluyan ding maglalaho,

Ang bawat galak ko sa t'wing hawak ko ang kamay mo ay unti-unti ding magtatago,

Sa t'wing yakap yakap kita ayoko ng kumalas pa,

Sa t'wing hawak kita ayoko ng bumitaw pa,

Akin ka na nalang sana,

Tayo nalang sana ang magkasama.

Hindi ko maiwasang mahulog sa'yo,

Araw-araw Kong dinadalangin na sana pwedeng maging tayo,

Ngunit paulit-ulit pinapaalala ng Mundo,

Na hanggang dito lang ako, at hanggang dito nalang tayo,

Gusto ko sanang iparamdam sayo kung gaano ka kahalaga,

Gusto ko sanang ibigay sayo ang buwan sampu ng mga tala,

Gusto ko sanang ipagsigawan ang aking naghuhumayaw na pag-ibig

Gusto ko sanang ilabas ang pagmamahal na matagal ng nakasilid,

Gusto kitang alagaan,

Gusto kitang pagsilbihan,

Gusto kitang mahagkan,

Gusto kitang Pakasalan,

Ngunit kasing-bilis ng bulalakaw,

Ang hangin na sa akin ay pumukaw,

Oo nga pala, hindi ka naman sa akin,

Oo nga pala, ninang ng magiging supling mo ang nakalaan na titulo para sa akin.

Mahal kita,

Ngunit....

Hanggang dito nalang pala tayo,

Sandali...

Bago ako lumisan maari ba akong humingi ng pabor?

Maaari mo bang ibalik ang ako na patuloy kang hinahabol,

Paki-balik naman ang aking mga ngiti,

Na ipinahiram ko sa iyo sandali,

Paki-balik naman ang aking mga labi,

Na nagpapatahan sa iyo sa t'wing ikay humihikbi,

Paki-balik naman ang aking mga bisig,

Na sumasalo sa yo sa t'wing nasasaktan ka sa kanyang pag-ibig,

Paki-balik naman ang aking mga palad,

Na nagbibigkis sa atin sa t'wing tayo'y naglalakad,

Paki-balik naman ang aking pandinig,

Na hindi ko isinara upang sa yo ay making,

Paki-balik naman ang aking mga panulat,

Na ikaw lang ang tanging nilalaan ng bawat nalilikhang pamagat,

Akoy lubos na nag susumamo,

Paki balik naman ang dating Ako,

Yung Ako noong Hindi ko pa nasisimulan ang talata tungkol sa iyo,

Yung ako na hindi pa ikaw ang paksa ng bawat tulang naisusulat ko,

Yung ako na nakakaya pang tumawa ng to too,

Yung ako na makakaya pang ipaglaban ang pagmamahal ko,

Paki balik naman ang dating Ako,

Na pinahiram ko sa iyo,

Dahil ngayon, hindi ko Alam paano ako mabubuo,

Dahil ngayon, hindi ko maangkin ang sarili ko,

Pagkat ikaw

Oo ikaw ang pinaglaanan ko ng sarili ko,

Oo mahal na mahal kita higit sa Alam mo,

Oo hindi ko kayang humakbang palayo sa yo'

Oo, aaminin ko na, masakit man mawala ang ako,

Hindi ako nagsisisi na minsan pinahiram ko sa iyo ang aking sarili,

Kahit pa ang bawat ala-ala na mayroon tayo ay Hiram, at sa bawat araw na nagdaraan ang sakit sa akin ay lalong sumusidhi, minsan natanong ko nga, kung mauulit kaya na hihiram muli ako ng sandali, at kung ipapahiram ko muli sa iyo ang aking sarili, susungaban ko ba? Bakit Hindi, dahil masakit man noong nakilala kita, naramdaman ko ang totoong kahulugan ng salitang masaya.

Ana,

Babawiin ko na pala,

Pagkat hindi ko pala kaya,

Kahit Hiram lang ang mayroon tayo, hahawakan parin kita,

Maghihintay ako, kahit wala ng pag-asa,

Mahal kita,

Mahal kita at iyon ang to too,

Mahal kita,

At nakagapos ang puso ko sa iyo,

Paki-balik nalang ang dating ako,

Kapag handa na akong pakawalan ang pag-asang, isang araw,Hindi ko na kailngan pang mang Hiram,

Dahil pag-aari na kita. Sana....

Ana,

Mahal kita..




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tula ng Pag-ibig Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon