1st Runner Up

90 5 0
                                        

First take what is best while second gets what is left.

(Ayaw mo akong maging Consolation Prize, pero sa buhay mo ginawa mo naman akong 1st Runner Up.)



Sa bawat hamon ng buhay,

Maari kang magtagumpay,

Maari ka namang magtapos ng may lumbay,

Sa bawat laban na pipilin mong pasukan,

May pagkakataon na uuwi kang nakataas sa alapaap mula sa kinatatayuan,

Samantalang minsan namay maiiwan kang bagsak sa lupa at luhaan,

Minsan na din akong nakipaglaban,

Sa taong bola lang ang  kayang panindigan,

Minsan nadin akong nabigo at nasaktan,

Sa taong may numero ang harapan,

Minsan nadin akong nakipagbunuan,

Sa taong hanggang 1st half lang
ang kayang ipaglaban,

Minsan ko na ding ibinigay ang lahat-lahat,

Sa taong laro lang pala sa kanya ang lahat,

Minsan na din akong umasang ako ang una sa lahat,

Sa taong basketball lang ang kayang ipagkalat,

Minsan akong nagmahal at nagtago,

Sa taong, ipinakilala sa akin ang mundong sobrang Malabo

Minsan na kong nakipaglaban,

Minsan ng sinukuan,

Minsan ng pinagtabuyan,

Pagkat akoy naging hangal, sa pag-aakalang ako ang una sa kanyang pagmamahal.

Minsan akong nakahanap ng kalaro, ngunit sa gitna ng aming laro, tumakbo siya, tumakbo siya ng sobrang tulin, hinabol ko siya sa pag-aakalang siya ay babalik din, hinabol ko siya kahit pa sa dilim. Ngunit kawangis ng bola, ang mundo ay bilog, paikot-ikot, natuto akong tumayo, natuto akong lumayo, natuto akong ngumiti muli, kahit pa sa simula pa lang, kahit saan natin dalhin ang usapan, sa buhay niya ako ang huli, at kailan man hinding-hindi idadako sa harapan.

Ngunit,

Pagkatapos ng ulan, may araw na ngingiting muli,

May umagang darating upang ang dilim ay ikubli,

At Bumaba ka mula sa langit

Ana,

Ginawa mong patas ang bawat laban na darating upang pagsaluhan,

Pinalitan mo ang mabigat ng salitang magaan,

Pinaniwala mo ako na hindi lahat ng natatalo, ay nabibigo

Ikaw ang nagturo,

Na kahit hindi ka man makita ng mundo,

Huwag kang susuko,

Pagkat ikaw Ana,

Binigyan mo ako ng halaga,

Binigyan mo ako ng pag-asa,

Binigyan mo ako ng pagmamahal na hindi ko na makita pa,

Binigyan mo ako panibagong pagkakataon upang umahon,

Binigyan mo ako ng lakas upang mula sa pagkakabaon,

Unti-unti akong makabangon,

Tinulungan mo akong makasabay sa alon,

Tinaas mo ako,

Napakataas,

Hinayaan mo akong lumipad na para bang wala ng bukas,

Hinayaan mo akong lumaya, na para bang ang nakaraan ay wala ng bakas,

Ngunit sadya yatang pinaglalaruan ako ng tadhana. Pagkat masyado akong nabulag ng iyong mga tala. Akala ko sa pagkakataong ito, ako na ang una, at wala ng kasunod pa. Akala ko sa pagkakataong ito, wala na akong magiging kahati, sa taong bumuo sa aking muli. Nagkamali pala ako, kasing bilis ko man ang kabayo sa pagtakbo, sa buhay mo naman nahuli na ako, nahuli na ako sa karera patungo sa puso mo.

Una na siyang nakapasok sa puso mo,

Una na siyang nakawak sa kamay mo,

Una na siyang dumating sa buhay mo,

At sa laban na ito siya na ang panalo,

Ako?

Kailangan nga ba ako naging una para sa iyo?

Kailangan nga ba ako naging panalo sa mga mata mo?

At sa laban na ito,

Na ang ikaw ang premyo,

Alam Kong hinding-hindi ako mananalo,

At habang buhay na tatanggapin ang kapalaran Kong.....

Maging 1st Runner up sa buhay mo.

Ngunit kahit pa ako ang ikalawa, kahit hindi nako mananalo pa sa iyong mata. Hindi ako mawawala, hindi ako tatakbo palayo, hindi ako susuko. Pagkat mahal kita. At maghihintay ako baka isang araw, ako na ang mauuna.

Sa buhay mo,

Sa puso mo,

Baka ako na ang magiging bida,

Hindi pangatlo o pangalawa

Kundi,

Una at hindi na masusundan pa.


Tula ng Pag-ibig Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon