Kasabay ng mapayapang pag-ihip ng hangin,
kasabay na pag-hampas ng alon sa buhangin,
Kasabay ng pag-awit ng mga ibon sa himpapawirin,
Ang PAGTATAPOS ng inyong awitin,
At ang PAGSISIMULA ng sa atin,
Kasabay ng pagbuo natin ng sariling kwento,
Ay siya namang Simula ng libo-libong tanong na naglalakbay sa aking ulo,
Paano nga ba, nagsimula ang Tayo
Meron nga bang tayo?
Ikaw ang bumubuo ng aking araw
Ikaw ang tuksong gusto-gusto kong nangingibabaw,
Ikaw ang musika, na hindi ko pagsasawaan,
Ikaw ang laban, na hinding hindi ko susukuan,
Ikaw ang kasinungalingan na gusto ko lang paniwalaan,
Ikaw ang direksyon na patuloy kong susundan,
Maligaw man ako, Ikaw parin ang uuwian,
Ikaw ang kaisa-isang kayamanan na hindi ko kayang isugal,
Ngunit para sayo, Kahit hindi sigurado handa akong sumugal,
Ayoko ng magtanong,
Ayoko ng bumulong,
Ayoko,
Ayoko,
Ayokong tanggapin, na isang araw babawian ka ng taong totoong nag-mamayari Sayo,
Ayokong tumakbo ang oras, hanggat hawak pa kita, at may pag-asa ang Tayo,
Ayoko ng mahulog, Ayoko ring mauntog, pero handa akong mabugbog,
Handa akong masubsob, para sayo
Para sa milyong dahilan na aking pinang hahawakan,
Para sa milyong kaligayahan na sayo ko lang naramdaman
Para sa paraisong sayo ko lang ilalaan,
Para sa mga ngiti mong, langit ang katumbas
Ngunit ang mundo ay Marahas,
Pilit akong hinahatak upang kumalas,
Ayoko!
Ayoko ngunit Paano,
Paano ako lalaban kung sa Simula palang sila na ang panalo,
Paano ako lalaban kung ang mundo mismo ang nagtutulak sa akin palayo
Paano ako hahakbang palayo,
Kung ako ay nakagapos sayo
Paano ako tatayo,
Kung Ikaw lang ang gusto Kong sa akin ay sumalo,
Paano?
Paano naging napaka madamot ng mundo kung ang tanging hiling ko lang naman, ay mabuo,
Kasama mo,
Kayakap mo,
Minamahal mo,
At Ako sana ang awiting hindi mo pagsasawaan,
At Ako sana ang laban na hindi mo susukuan,
Paano?
![](https://img.wattpad.com/cover/103458764-288-k995920.jpg)
BINABASA MO ANG
Tula ng Pag-ibig
PoesiaGinawa kong tulay ang tula, patungo sa Puso mo. Mga titik na nais ko sanang ipabatid, mula sa nakakabinging tinig ng Pag-ibig (Ana at Jose)