(Simula ng lahat ng Simula)
Ipag pa umanhin ang aking Pag-gambala,
Sa nahihimbing na diwata,
Hindi nais matungo sa Paraisong nababalot sa hiwaga,
Bigla na lamang naging bihag ng iyong salamangka,
Tinig moy tila pag-aari ng isang Anghel na kumakanta,
Noong una kita masilayan,
Hindi ko lubos inasahan,
Na Ikaw at ako ay magkakaroon ng puwang,
Waring akoy dinuduyan,
Sa t'wing ngiti moy nakakamtam,
Sa t'wing paningiy magagawi sa buwan,
Hiling ko sana'y bulalakaw ay dumaan,
Nang sa Pagkakaduya'y huwag ng lumisan,
Ikaw ay patuloy na maglalakbay sa aking mga ulap,
Patuloy na papangarapin at mananatiling maningning,
Ikaw ang buwan sa aking kalawakan,
Liwanag ang hatid mo sa Malabo kong dinaraan,
Ikaw ang Araw sa aking mga bintana,
Ikaw ang sagot, sa mga tanong na mataling haga
Ikaw ang bulaklak sa aking hardin,
IKAW LANG ANG NAG-IISANG DIWATA SA AKING PANINGIN.
BINABASA MO ANG
Tula ng Pag-ibig
PoésieGinawa kong tulay ang tula, patungo sa Puso mo. Mga titik na nais ko sanang ipabatid, mula sa nakakabinging tinig ng Pag-ibig (Ana at Jose)