TAYO

62 5 0
                                    

(Ikalawa Sa lahat ng Una)

Isinilang ako sa Mundo,

Sa Napaka-gandang Paraiso,

Kasabay ng unang pag-pintig ng aking mga pulso,

Ang Pagsisimula ng ating kwento,

Hindi man tayo nabubuhay sa iisang dugo,

Ang kapalaran nati'y pinagtagpo,

Pagkat hindi pa man tayo isinisilang sa mundo,

Nakatakda ng tumibok ang aking puso kasabay ng sa iyo,

At kung nakilala na kita noong mga panahon na hindi pa kumpleto ang iyong mga ngipin,

Hindi ko kailanman na Iisipin,

Na may kulang sa iyong abot tengang mga ngiti,

Pagkat ngayon Ikaw ang dahilan sa mga ngiting nakaukit sa aking mga labi,

Naalala mo pa ba?

Noong unang nagtama ang mga mata natin sa isat-isa,

Marahil Malabo man sa iyo ang ibang mga ala-ala

Malinaw na tayo ay maligaya, katulad ng malayang mga Maya


Magkasabay tayong Yumapak,

At magkasamang yumakap,

Sa binuo nating mga Pangarap,

Patuloy ko itong aabutin, kahit pa balakid man ay laganap,

Ikaw ang Kasama,

Noong ang Mundo ko ay akin palang kinikilala,

Saan man tayo dalhin ng ihip ng hangin,

Ang tangi ko lamang panalangin, ay Sa Mundo akoy manatili, at huwag ng hatakin,

Marami man ang hindi perpekto,

Sa mundo kung saan pinili natin ilagak ang ating kwento,

Madalas man na ang nais natin ay hindi magkatagpo,

Malayo man ang pagitan ng mga gawi natin sa isat-isa,

Hindi ko lubos mawari kung bakit magkadugtong parin ang ating mga paa,

Ngunit Hanggat nariyan ka, at Tayo ay masaya,

Hindi na ako, Kailanman magtatanong pa,

Dahil Ikaw ang nagbigay ng linaw,

Sa mga nakakabinging tanong, na kanilang isinisigaw,

Madalas man na ang tawa moy nakakairita,

At ang tinig moy masakit sa tenga,

Lahat man ng alam mong gawin ay kakaiba,

Wala akong maisip na dahilan upang, sambitin na Ayoko na

Hindi man normal ang Tayo

sa paningin ng iba,

Hindi man maintindihan ng iba ang paksa na pinili nating ipakilala,

Hindi,

Hinding-Hindi ako mangangamba,

Pagkat hindi sila, kundi Tayo ang bida,

Ikaw ako sila Tayo

Napakaraming taong kasabay nating  nakikihati sa mundo,

Ngunit, tayo ay may sariling puwang,

Kaya Lagi mong tatandaan na, kung walang ikaw, ako ay kulang,

Napakaraming masasayang karanasan, na una Kong naranasan

Napakaraming makabuluhang usapan na una kong napakinggan,

Napakaraming tawanan na hindi ko malilimutan,

Sa lahat ng ito, ikaw ang kasama ko sa larawan,

Marami tayong alam,na hindi nila malalaman,

Marami tayong kaligayahan na hindi nila maiintindihan,

Maraming mga bagay na sabay nating pinanghawakan,

Dahil nagiisa lang ang kwento natin sa buong kalawakan.

Talikuran man ikaw-ako ng mundo,

Kamuhian ng lahat ng mapanghusgang tao,

Alam kong hindi ako mag-iisa,

At parati kang may makakasama, sa takbuhan man, o sa ligaya.

Sa panahon na ako ay lumuluha,

At ang liwanag ay napakahirap makita,

Sa mg pagkakataon na akoy nawawala,

Salamat,

Dahil kailan man hindi ka bumitaw at Hindi nagsawa.

Pinili Ko ang Tayo,

Paninidigan ko ang Tayo,

Ipaglalaban ko ang Tayo,

Dahil Ikaw at Ako,

Ang Bumuo sa salitang TAYO

Tula ng Pag-ibig Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon