Advice#1

12 0 0
                                    

Kumapit ka sa salitang "balang araw."

Na balang araw, lahat ng paghihirap mo, lahat ng sakripisyo, ay mapapalitan ng tagumpay at saya.

Na balang araw, makikita rin nila ang halaga mo at kung gaano mo sila kamahal.

Na balang araw, maiintindihan nila ang desisyong ginawa mo.

Na balang araw, may isang taong magpupunas ng luha sa mga mata mo at magiging rason ng mga ngiti sa labi mo.

Na balang araw, hindi ka na kailangang magmakaawa sa pagmamahal ng iba, na hindi mo na kailangang ipagpilitan ang sarili mo sa kanila, na may taong darating at mag-stay sa buhay mo kasi sila ang tunay at totoong deserve mo.

The Moving On ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon