Pwede ba nating irestart ang lahat? Ibalik natin sa mga masasayang bahagi ng pagsasama natin, 'yung walang problema.
'Yung time na kapag may problema, ngiti lang, 'yung time na walang pikunan, 'yung time na ikaw at ako lang ang tao sa mundong itong ito.
Mapaglaro ang tadhana, hindi pwedeng puro saya at kilig, maraming pagsubok na susubok sa katatagan natin.
Ikaw, susuko ka na ba agad? Nagsisimula pa lang ang hamon ng buhay para sa ating dalawa, pero bakit parang pinanghihinaan ka na? Nasan na ang mga pangako natin na walang iwanan? Nasaan na 'yung pangako mong kakayanin natin lahat lahat ng pagsubok na darating sa atin?
Oo mahina ako, pero para sa ating dalawa, pilitin kong tumayo! Pipilitin kong lumakas na parang nagsisimula pa lang tayo! Ibabalik ko ang nakaraan, nakaraan na sobrang saya at walang problema, nakaraan na sinisira ng kasalukuyan.
![](https://img.wattpad.com/cover/103387650-288-k165764.jpg)
BINABASA MO ANG
The Moving On Project
Historia CortaNeed Mo ng Advice? Broken Hearted ka lagi? LDR Problem? Buhay Single? Gusto lang kiligin? Pwes ito ang libro na Pwede sayo, ang libro na Maraming aral Pag ibig At iwas Tanga narin Ang libro na Napakaraming Kwento at Napakaraming Hugot. The Moving On...