appreciation

5 0 0
                                    

Well, hindi naman sapilitan ang appreciation pero kahit simpleng good job or thank you o na-appreciate ko ang effort mo, mga simpleng salita lang pero malaki ang impact sa tao.

Sabi nga nila, kahit gaano ka kapagod sa isang bagay, kung makikita mo naman o mararamdaman mo na kahit papaano ay naa-appreciate ka nila, tanggal lahat ng hirap.

Say thank you sa mga nagtatrabaho para mabuhay ang pamilya niyo.

Say thank you sa mga nagpapaaral sa iyo.

Say thank you sa mga kaibigan o kamag-anak na nandiyan para sa iyo.

Say thank you sa lahat ng pagmamahal at effort ng boyfriend o girlfriend mo.

Say thank you sa mga kasamahan mo sa trabaho na ginagawa ang lahat para sa buong company.

Say thank you sa mga empleyado mo o sa mga subordinate na tumutulong sa iyo.

Thank you. Dalawang salita pero malakas ang impact sa puso ng nakakarinig nito.

Hindi sapilitan ang thank you. Siguro nasa pagkatao na ng individual kung magkukusa siya na ma-appreciate ka.

Well, kung hindi ka man nila ma-appreciate, tingin ka lang sa langit, kita lahat ni God ang sakripisyo at effort mo. :)

The Moving On ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon