Kapag galit ka, wag ka munang magsalita.

19 0 0
                                    

Yan ang natutunan ko sa tuwing may mga bagay na nagpapagalit sa akin o mga disappointments in life. Kapag kasi mataas ang emosyon natin, nakakapagbitaw tayo ng mga salitang out of anger. Yung mga salitang iyon ay hindi napag-iisipan nang mabuti kaya kadalasan tayo pa ang nakakasakit ng damdamin ng iba at mas lumalala pa ang sitwasyon.

Kapag galit ka sa isang tao o pangyayari, hayaan mo muna ang sarili mong mag-cooldown. Hayaan mo munang lumipas ang init ng ulo mo. Huminga ka nang malalim at dahan-dahang ikalma ang utak. Doon na susunod ang pagkakalma ng puso.

At kapag okay ka na, pag-usapan niyo na. Mas may sense na ang mga sasabihin mo, mas napag-isipan na ang mga salitang lalabas sa bibig mo.

Huwag magpadala sa bugso ng damdamin.

The Moving On ProjectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon