Sige ganito na lang, ako ang lalayo, ikaw ang sasaya.
Lalayuan kita kasi alam kong wala rin namang pag-asa.
Mahirap naman kasing pilitin ang puso mong mahalin ako, di ba?
Ako na lang ang lalayo kasi mabilis akong mahulog sa isang “kumusta” o “miss na kita.” Ako na lang ang iiwas sa mga larawan mong nakatutunaw ng puso at kaluluwa.
Pero isa lang ang hiling ko, tulungan mo akong kalimutan ka.
Tulungan mo akong hindi maalala ang nangungusap mong mata, ng mala-anghel mong ngiti na sa aki’y nagpapahina.
Pakiusap ko sa ‘yo, hayaan mo na akong layuan ka. Wag mo na akong titigan, kausapin, lapitan at kumustahin pa.
At pipilitin ko na ang utak ko at tuturuan ang aking pusong hindi na umasa pa.

BINABASA MO ANG
The Moving On Project
ContoNeed Mo ng Advice? Broken Hearted ka lagi? LDR Problem? Buhay Single? Gusto lang kiligin? Pwes ito ang libro na Pwede sayo, ang libro na Maraming aral Pag ibig At iwas Tanga narin Ang libro na Napakaraming Kwento at Napakaraming Hugot. The Moving On...