ToNy POV
Pumasok ang kotse na lulan ako at ang matandang abogado sa isang malawak na lupain. Nabasa ko sa malaking arko na ang nakalagay ay Villa Romantico sa malalaking pulang letra. Sa pangalan pa lamang ng lugar ay naiinlab na ako. Lalo na siguro sa kabuan nito. Namangha ako sa malawak na lupain kaya binuksan ko ang bintana ng kotse. Sumalubong sa akin ang malamig at fresh na simoy ng hangin kahit na tirik pa rin si harinng araw. Napahigit ako ng hininga at para bang lalo akong nainlab sa linis ng hanging nalanghap. Hindi ko mapigilan mapangiti ng maaliwalas. Nakakapanibago mula sa mausok at amoy sigarilyong siyudad na nakamalayan ko ang hangin dito sa probinsya. Makaraan pa ang ilang minutong paglalakbay sa malawak na lupain ay natanaw ko na ang kulay krema at asul na bahay na may kalawakan sa gitna ng malawak na lupain na napapaligiran din ng berdeng mga puno at halaman. Kahit ang malaking bahay ay nakakainlab sa lali nito at nakadagdag pa sa ganda ng bahay ang mga makukulay na bulaklak sa paligid.
Shit! Tiba tiba ako sa rancho na 'to! Sinong mag-aakalang akin na 'to!?Ang swerte ko naman talaga!
Nangingiti ako habang inililibot ang tingin sa malawak na paligid. Pagkababa ko pa lang sa kotse ay binubusog ko na ang mata ko sa instant rancho ko kaya hindi ko napansin ang paninitig sa akin ni Attorney. Ngumiti siya ng lingonin ko siya.
"Ah...attorney, gaano ba kalaki ang lupa na sinasabi mo? Ito bang kinatitirikan ng bahay?" Paniniguradong tanong ko sa abogado na ikinangiti niya. Hindi kasi ako makapaniwala na akin ang lugar na ito.
"Ang kabuuan na pagmamay-ari niyong lupain ay hanggang sa matatanaw ng mata mo. Ganyan kalawak ang rancho ni Don Emilio. Ililibot kita isang araw para makita mo ang kapehan, ubasan, palayan at pati na din sa bakahan at sa mga kabayong pagmamay-ari mo na rin." Ani ni attorney na ikinamangha ko.
"Attorney, kurutin mo nga ako." Aniko sabay bigay ng braso ko sa matandang mukhang nagtaka sa request ko.
"Bakit naman hija?" Malambing na tanong ng matanda.
"Gusto ko lang pong malaman kung talagang hindi ako nananaginip. Sige na! Pakikurot." Pero imbis na braso ay natatawang kinurot ako ni Attorney Sioson sa pisngi na animo'y batang kanyang kinakaaliwan.
"Totoo ang lahat ng ito Hija, magbabago na ang buhay mo kaya masanay ka na." Masayang pahayag niya na sinuklian ko naman ng pagngisi. Muli kong nilibot ang aking paningin sa paligid. Napakalawak ng lupain na iyon na tipong hindi ko na matanaw ang sinasabi niyang hangganan at tanging berdeng-berde na paligid ang natatanaw ko.
May nakita akong matandang babae na lumabas ng bahay, nakangiti siya sa akin kaya nginitian ko na din.
"Hija, siya si Manang Lydia, ang namamahala sa kaayusan at kalinisan ng buong bahay. Kaya paminsan minsan makikita mo siya dito. Pwede mo rin siyang tawagan kung my kailangan ka ipalinis, ipabili o ipagawa." Ani Attorney.
"Manang Lydia, this is Miss Tony, ang apo ni Don Emilio." Pagpapakilala sa akin ni attorney.
Nginitian ko si Manang Lydia na gumanti din ng masayahing ngiti.
"Kamusta po? Ako po si Tony." Magalang kong pakipagkilala sa kanya.
"Maligayang pagdating sa Villa Romantico! Ma'am Tony, ang akala ho namin dati'y kayo ay lalaki, nagulat pa kami ng ipabago ni Don Emilio ang kulay ng kwarto niyo at ginawang pambabae." Kwento ni Manang Lydia na nagtatawa at napatawa na din ako. Walang paglagyan ang kasiyahan ko ngayon.
"Tony po ang pinangalan sa akin kasi akala ng mama ko lalaki ako nung nasa tyan pa daw ako kaya kahit nalaman nilang babae ako e iyon pa din ang pinangalan sa akin. Nakasanayan na daw kasi nila na itawag sa akin 'yon noong nasa tyan pa lang ako." Medyo nalungkot ako ng maalala ang magulang ko. Namatay kasi sila sa isang malawakang sunog sa squatter na tinitirhan namin dati, ako lamang ang nailigtas ng mga bumbero. Sa edad na labing dalawa ay naulila na ako at walang matirhan. Lumaki sa isang government institution hanggang sa piniling mamuhay mag-isa, nakatapos naman ako ng elementarya at ng makapagtrabaho na ay pinilit ko ding matapos ang high school. Pinag-aral ko ang sarili ko ngunit hindi naging madali makatuntong sa college kahit may scholarship akong nakuha. Kulang kasi lagi ang pera ko kahit nagtatrabaho ako sa gabi kaya mas pinili ko na lang ang tumigil sa kolehiyo at magfocus sa pagtatrabaho.
BINABASA MO ANG
The Dangerous Deal
RomanceMahirap pa sa daga... Iyan ang buhay ni Tony. Pinalayas sa tinitirhan niyang apartment nang hindi siya nakakabayad. Paraket-raket at nakikitira sa mga kaibigan hanggang sa may isang abogadong nagsabi sa kanya na nagmana siya ng isang rancho mula s...