Tony POV
Mabilis ang mga kilos ko ng magbihis ako ng uniporme ng waitress sa pinagtatrabahuhan kong restaurant. Fifteen minutes na akong late at panigurado ay masasabon nanaman ako ng manager ng restaurant na ito. Kung bakit kasi napasobra ang tulog ko at hindi nagising sa alarma ng pasira-sirang cellphone ko, marahil dahil na rin sa sobrang pagod kaka-overtime ko sa trabaho ng nagdaang gabi. Mabilis na inipitan ko ang buhok ko habang papalabas ng restaurant ng makasalubong ko si Ma'am Tara, ang manager ng restaurant.
"You're late Ferrer! Anong akala mo sa restaurant na ito? Hihintayin ka?! Isang late pa at tanggal ka na sa trabaho mo!" Malakas na singhal niya sa akin.
"Sorry po Ma'am Tara." Mahinang anas ko na lang.
"Sige. Doon ka sa table seven! Take their order." Malakas na bulyaw niya kaya nagmamadaling lumabas ako ng banyo at patakbong tinungo ang table seven ng malakas na bumunggo ako sa isang pares ng dibdib na kasing tigas yata ng bato dahil sa sobrang sakit ng inabot ng mukha ko. Napahawak ako sa braso ng nakabungguan ko para hindi matumba, matigas din iyon gaya ng dibdib niya. Pakiramdam ko ay nahilo pa ako at naalog ang utak ko sa lakas ng impact.
"Aray ko po!" Aniko habang sapo sapo ng kabilang kamay ko ang ulo ko.
"Next time watch where you're going!" Malakas na bulyaw ng nakabangga ko kaya masamang tingin ang ipinukol ko sa kanya.
"Watch where you're going din!" Matigas na aniko pero nanlaki ang mata ko ng mapagsino ang lalaki.
Siya 'yon! Siya iyong nagligtas sa akin noong isang gabi! Ang antipatikong cowboy na sineryosong maghubad!
"We meet again." Aniya habang pinapasadahan ng tingin ang suot kong uniporme at tumigil iyon sa isang kamay kong nakahawak pa pala sa braso niya. Mabilis na binawi ko ang kamay ko sabay taas ng kilay sa binata.
"Ang malas ko 'di ba?!" Sarkastiko kong ani ng biglang may sumigaw sa likod ko.
"Ferrer! Table seven! Now!" Ani Ma'am Tara na nagpataranta sa akin. Mabilis na napatakbo akong muli para marating ang table seven.
"Hi! Good morning! May I take your order sirs?" Aniko sa apat na lalaking natatakpan ng menu ang mga mukha.
Sabay-sabay nila ring binaba iyon at nagulat ako ng makitang ang apat na lalaki noong isang araw ang bumungad sa akin.
"Uy! Hi! Ikaw 'yung chicks nung isang gabi, right?! 'Yung sinagip ni King?!" Ani ng lalaking may maamong mukha.
"A-ah o-oo. Ako nga 'yon." Nahihiyang sagot ko sa kanya.
"Nagwe-waitress ka din pala kapag araw?! Ang sipag mo naman! Ako nga pala si Matt!" Ani ng lalaking may maamong mukha. Nakangisi siya sa akin na may pagkapilyo at maloko ang dating ng binata. Siya iyong tipong boy-next-door ang itsura. Nilahad niya ang kamay niya para makipagkamay sa akin. Pero bago ko pa maabot iyon ay tinabing ng katabi niya ang nilahad niyang kamay.
"Pasensya ka na Babes, malandi lang talaga itong si Matt. Kamusta? Ako nga pala si Chip." Ani naman ng isa pang lalaki na may malalim na biloy sa magkabilang pisngi habang nakangiti sa akin. Siya naman ang pinaka-cute sa kanila na parang ansarap kurutin ng mabilog niyang pisngi.
"Hi!" Aniko na lang sa kawalan ng sasabihin.
"Hi Miss Ganda! ako si Dark. Ang pinakagwapo sa kanilang lahat." Ani naman ng isa pa sabay kindat sa akin. Natawa ako sa pagpapacute nito na halatang may halong pagbibiro. Siya 'yung tipong moreno na kahuhumalingan ng mga kababaihan, may pagkabrusko. Tall dark and handsome ang bagay na deskripsyon sa lalaki.
BINABASA MO ANG
The Dangerous Deal
RomanceMahirap pa sa daga... Iyan ang buhay ni Tony. Pinalayas sa tinitirhan niyang apartment nang hindi siya nakakabayad. Paraket-raket at nakikitira sa mga kaibigan hanggang sa may isang abogadong nagsabi sa kanya na nagmana siya ng isang rancho mula s...