6 One of the boys

782 37 12
                                    

Tony POV

"Good morning Tony!" Bati sa akin ni Matt pagkabukas ko ng pinto ng kwarto ko na ikinagulat ko. Hindi ko kasi akalain na nasa kabila siya non at naghihintay sa paglabas ko.

"Ay sorry! Nagulat yata kita! Kakatok sana ako kaso binuksan mo na ang pinto mo eh." Nakangiting aniya kaya napangiti na din ako.

"Okay lang...Good morning din sa'yo." Nakangiting aniko sa kanya.

"Tara breakfast tayo!" Aniya sabay lahad ng braso niya kaya kumapit ako doon. Nasalubong pa namin si Dark na mukhang papunta din sa kwarto ko.

"Aga mo yatang nagising Matt! Nauna ka pa sa akin ah! Nakakapanibago!" Ani Dark sabay ngiti sa akin na ginantihan ko din ng ngiti. "Goodmorning Tony!" Bati niya.

"Good morning Dark." Balik bati ko din.

"Iba na talaga simula ngayon. Maaga na akong gigising lalo na at may inspirasyon na akong bumangon tuwing umaga!" Ani Matt sabay kindat sa akin na nangingiting ikinailing ko na lang.

"Huwag kang magpadala sa mabulaklak na sinasabi niyang si Matt. Marami ng nabuntis ang bibig nyan!" Ani Dark na ikinasimangot ni Matt.

"Ikaw nga itong mahilig kapag madilim! Huwag kang magdidikit diyan kay Itim, Tony. Kapag sumapit ang dilim naghahasik 'yan ng lagim!" Ani Matt na ikinatawa ko na dahil sa pakanta pa ang huling turan nito.

"Gago!" Ani Dark na babatukan sana si Matt ng biglang bumukas ang katapat kong pinto.

Napaderetso silang dalawa pagkalabas ni King. Amoy na amoy ko ang bagong paligo niyang amoy na kay sarap sa ilong. Naka-checked polo ito na kulay itim at asul, at nakapantalon na itim. Basa pa ang buhok nitong winahi lang niya papunta sa batok niya.

Namulsa lang si King habang tinignan kami isa-isa pagkatapos ay walang salitang nauna na itong naglakad pababa ng hagdan.

"Pasensya ka na don ha, ganon lang talaga iyong si King. Medyo suplado, hindi naman gwapo." Nakangising ani Matt sa akin.Gusto kong matawa sa may pagkamata nitong pagsasalita. Masaya siguro talagang kasama itong si Matt.

"Anong medyo? Suplado talaga yang si King. Pero kapag pagwapuhan na ang usapan, Dark ang kaunaunahan." Hirit naman ni Dark.

"Ano ka ba naman Itim! Mahiya ka nga sa balat mo! Maitim na makapal pa! At Porke't nakatalikod si King sisiraan mo na! Tara na nga Tony, lumayo tayo sa mapanghusgang kadiliman." Makulit na ani Matt sabay hila sa akin habang nagtatawa ako at ngingisi-ngisi si Matt.

"Ulupong! Ikaw ang pinakajudgemental dito oy! Ikaw ang mahiya sa height mo!" Ani naman ni Dark habang sumunod siya sa likod namin. Sa lima kasi ay si Matt ang pinakamaliit. Pero naghahabulan din naman sila sa tangkad. Walang masasabing pandak sa limang matipunong lalaki na kasama ko ngayon.

Dumeretso kami sa hapag-kainan at nakitang naroon na si Gael, Chip at King na prenteng nakaupo. Nakahain na din ang almusal at kami na lang ang hinihintay. Uupo na sana ako sa hinilang upuan ni Matt sa tabi niya ng makarinig kami ng tikhim mula kay King. Napatingin kaming lahat sa kanya.

Itinuro niya ako pagkatapos ay itinuro niya ang katabi niyang bakanteng upuan. Mula sa senyas niya ay alam ko na pinapaupo niya ako sa tabi niya. Mukha namang hindi kokontra si Matt ng magkamot lamang ito ng ulo niya.

Nakasimangot na dumeretso muli ako ng tayo at nakairap sa lalaki na umupo ako sa tabi niya. Kung bakit naman kasi gusto pa nito ay sa tabi niya ako samantalang hindi naman niya ako pinapansin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 03, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Dangerous DealTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon